Malaki na ang ipinagbago ng ugali ng singer na si Daryl Ong dahil kung pumapatol siya dati sa mga basher, “block at delete” na ang sagot/aksyon na ginagawa niya sa mga taong negatibo at masasama ang mga komento sa kanyang mga social media post.
Madalas na trending noon sa mga social media platform ang pangalan ni Daryl dahil sa pagpatol nito sa mga basher, pero kasama sa kanyang pagbabago ang higit na tumindi na pagnanais na makatulong sa mga baguhang singer kaya nangangarap siyang maging producer ng mga show balang-araw.
“Aside from singing, talagang bago pa ako sumali sa The Voice, I would say na in my own little way, ako ang nagpo-produce ng covers sa YouTube. Yung mga areglo, talagang mahilig ako makipag-collaborate. Makikita niyo naman sa channel ko.
“I really love working with other artists. Alam ko na may mga mase-share ako sa ibang artists. At the same time, meron din akong mga matututunan mula sa kanila.
“Isa sa mga dream ko na sana magawa ko rin in the near future is to be able to produce shows,” ang lahad ni Daryl sa digital mediacon ng B.A.D. Boys of RNB na naganap nitong Linggo ng hapon, October 8, 2023.

“Bukod sa pag-focus ko sa sarili as an artist, yun talaga ang ultimate goal ko — to produce content and shows for upcoming artists,” ang pagpapatuloy ng pahayag ni Daryl.
“Kumbaga, sorry for the term, lahat naman po ng mga artist malalaos. Darating ang time na hindi ka na relevant.
“That’s what I want to prepare for. Dumating man ang araw na hindi na ako relevant, I want to be part of the future.
“Meaning, part ka pa rin ng success ng upcoming artists kasi tinulungan mo sila. Nag-produce ka ng shows para sa kanila, nag-risk ka sa kanila.
“Yung mga producer na nagdala sa amin sa U.S., actually, nag-risk po sila sa amin. Gusto ko, in return, kapag ako na yung may means, I want to put my faith sa mga bagong artist na pinaniniwalaan,” ani Daryl.
Read:
Sunshine Dizon hits back at basher who compared her to Pinky Amador, called her "laos"
Bea Alonzo confidently says she's not afraid of getting laos
Martin Nievera, may “list” ng singers na natulungan niya ngunit nakalimot at nalaos
Ang mga pahayag ni Daryl tungkol sa pagkalaos at pagiging makabuluhan ng mga artista ang nag-udyok sa Cabinet Files para tanungin siya kung naranasan na ba niya na maging irrelevant sa Philippine music industry.
Gaya nang dati, nagpakatotoo si Daryl sa mga sagot nito dahil base sa mga tunay na pangyayari na nasaksihan niya ang kanyang mga obserbasyon at paniniwala.
“Every one of us will always be relevant naman sa small circle that we have, sa family natin, sa mga mahal natin sa buhay.
“Pero when it comes to showbiz, siyempre, when you say relevant, famous. Marami ang nakaka-relate sa iyo sa present situation ng showbiz.
“Tingin ko naman, yung hindi pagiging relevant sa showbiz, nangyayari naman even to the most famous ones.
“Si Bruno Mars, Bruno Mars na iyan ha, may time na parang nag-hiatus siya. Hindi siya relevant and then he comes up with a new album, boom!
“Si Beyonce, may time na hindi siya relevant. You have to balance kung papaano mo tinatanggap yung mga bagay-bagay.
“For me, hindi puwedeng lagi kang nasa tuktok. Wala talagang ganoon. Kahit si Michael Jackson, meron time na wala siyang album, wala siyang release. So ganoon talaga, cycle lang.
“Iyan din ang challenging part na nakikita ko sa eksena ng music industry sa Pilipinas before. May mga artist na hindi na nabibigyan ng chance, pero ngayon, thankfully, may mga bagong artist na gumagawa na sila ng healthy cycle.
“Personally, kung may pagkakataon ba na hindi ako relevant? Yes!
“Ngayon ba, do I consider myself relevant? Maybe! I don’t really know.
“Siguro sa small followers ko, relevant ako pero sa iba, hindi. Siguro sa iba, laos na ako pero minsan, pa-joke ko na lang tinitingnan, at least kung sinasabihan nila ako na laos, ibig sabihin sumikat ako kasi laos na ako, e.
“So mas masakit yung nalaos ka nang hindi ka man lang sumikat. Yun ang medyo masakit. Parang hindi ka pa sumisikat, laos ka na.
“Pero yung binibiro ka na laos ka na, aahh, may time pala na sumikat ako. Wow thank you! So thank you sa challenge na lang na how to come back stronger.
“At the end of the day, ang pinaka-goal ko talaga is to inspire and affect in a good way yung mga tao na nakikinig sa akin.”
“Yung relevance naman kasi, it doesn’t necessarily mean na famous ka, marami kang pera. Maraming famous pero hindi na-manage well yung finances.
“Kumbaga, it’s up to you pa rin how you’re gonna make the most out of what you have right now. So I don’t really let it affect me, yung laos, yung relevant ba ako.
“Tina-try ko lang i-battle yung kaisipan na magpaapekto dun.”
Postscript: Si Bugoy Drilon ang kasama ni Daryl sa B.A.D. Boys of RNB, ang US concert tour nila na mag-uumpisa sa October 13, 2023 sa Jefebet Event Center ng Silver Nugget Casino sa Las Vegas, Nevada.
Special guests nina Daryl at Bugoy sina Jaya at Garth Garcia sa concert na magkatulong na binuo ng Coromar Entertainment, Enteng The Dragon Productions at Berce LLC.