PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ninong Ry & Esnyr: Horror on Set?

Katatakutan sa haunted mansion!
by Jojo Gabinete
Published Oct 1, 2023
Ninong Ry and Esnyr Ranollo cast in Shake, Rattle & Roll Extreme
Ninong Ry at Esnyr Ranollo, sumabak sa aktingan sa 'Shake, Rattle & Roll Extreme.' Sabi ni Esnyr: "From being a one-man team... Ngayon, parang na-culture shock po ako dahil may real director na, kaya super fun experience po."

Sina Ryan “Ninong Ry” Morales at Esnyr Ranollo ang dalawa sa mga social media influencer na mapapanood sa Shake, Rattle & Roll Extreme.

Kapwa sila nagpapasalamat kay Roselle Monteverde, ang producer ng Regal Entertainment Inc. dahil sa pagtitiwala na ibinigay sa kanila.

Para kay Ninong Ry, isang magandang karanasan na nakasali siya sa cast ng "Mukbang," isa sa tatlong kabanata ng Shake, Rattle & Roll Extreme.

"First movie ko ito. Honestly, hindi ko naman ine-expect na dadalhin ako dito.

"Sobrang ganda ng experience. Sobrang kakaiba.Thankful ako na napunta ako dito kahit wala naman akong ginagawang kakaiba," lahad ni Ninong Ry.

Hindi raw siya natinag kahit may katatakutan na nangyari sa kanyang mga co-star na sina Francis Mata at Paul Salas.

Ibinahagi ni Ninong Ry ang paraan na ginawa niya para hindi mangyari sa kanya ang naranasan nina Paul at Francis.

"Maraming natutulog sa shoot na binabangungot sila nang paulit-ulit kaya sa buong shoot, hindi talaga ako natulog sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tiniis ko, nag-take ako ng energy drink. Hindi talaga ako natulog, baka kung ano pa ang makita ko.

"Si Sir Francis [Mata], si Paul Salas, na-experience yan. So, ako safe naman. Hindi talaga ako natulog, e," ang kuwento ni Ninong Ry.

ESNYR'S FILMING EXPERIENCE

Kasama rin sa "Mukbang" episode si Esnyr pero pangatlong pelikula na niya ang Shake, Rattle & Roll Extreme.

Masaya si Esnyr dahil sa unang pagkakataon, nasubukan niya na mag-memorya ng mga sasabihin dahil may mga linya na siya.

"This is my third movie, pero ito po yung first movie na binigyan ako ng dialogue na marami, kaya I’m super happy na nang matanggap ko yung script.

"Hindi na ako yung parang nagpa-find pa ako ng name ko kung saan ako a-attack.

"Happy ako na, finally, nabigyan ako ng chance na mag-memorize ng lines."

Patuloy ni Esnyr: "Okay naman po yung experience ko. From shooting alone, from being a one-man team na ako ang nagdidirek sa sarili ko sa TikTok, ako yung nag-a-act, nagsusulat ng script...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayon, parang na-culture shock po ako dahil may real director na, kaya super fun experience po."

Tulad ng ibang co-stars, may horror experience si Esnyr sa shooting ng Shake, Rattle & Roll Extreme.

"Haunted mansion po yun, first scene po namin ni Kuya Paul [Salas ] at ito yung first night ko.

"Excited na excited ako, around 1 a.m. na yon, tapos may sumigaw ng 'Cut,' kaboses ni Direk [Jerrold Tarog].

"Nang ma-cut kami, hindi kami gumalaw ni Kuya Paul kasi ang akala nga namin may nag-cut.

"Tapos sabi ni Direk, ‘Bakit kayo huminto?’ Sabi ko, 'Direk, cut, di ba?' Sabi niya, ‘Ha? Wala. Hindi ako nag-cut!’

"So, may nag-imitate po sa boses ni Direk that time," ang lahad ni Esnyr sa ginanap na cast reveal conference ng Shake, Rattle & Roll Extreme.

"Mukbang," "Glitch," at "Rage" ang mga episode title ng bagong bersyon ng Shake, Rattle & Roll.

Pero hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag si Roselle tungkol sa playdate ng pelikula, sa kabila ng mga kahilingan na natatanggap niya na isali sa 49th Metro Manila Film Festival sa Disyembre 2023 ang sikat na horror movie franchise ng kanilang kompanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ninong Ry at Esnyr Ranollo, sumabak sa aktingan sa 'Shake, Rattle & Roll Extreme.' Sabi ni Esnyr: "From being a one-man team... Ngayon, parang na-culture shock po ako dahil may real director na, kaya super fun experience po."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results