Kung hindi alam ng publiko ang taon ng kapanganakan ni Pops Fernandez, mahirap mahulaan ang kanyang tunay na edad dahil mahusay siya sa pag-aalaga sa sarili kaya napapanatili niyang bata ang hitsura.
Malaki ang pagpapahalaga ni Pops sa kanyang love life dahil kahit napapabalita ang mga relasyon niya noon, hindi siya nagkukuwento.
Read: Pops Fernandez, kinumpirmang naging "jowa" noon sina Aga Muhlach at Piolo Pascual
Hindi kami nagbanggit ng mga pangalan pero hindi kami nakatiis na hindi tanungin si Pops tungkol sa kanyang sikreto dahil napag-iwanan na niya ang dating mga karelasyon.
“What do you mean?" tanong ng singer-actress.
Sagot namin, “Ganyan [bata] pa rin ang hitsura mo, sila iba na. Yung iba, parang tatay na tatay na.”
“Naku, ha! Wala akong sinabi!” natawang reaksiyon ni Pops.
Pero dahil likas na grasyosa, sinagot pa rin niya ang aming pag-uusisa nang makausap namin siya sa kanyang pagpirma ng kontrata bilang nagbabalik na contract star ng Viva Artists Agency noong Biyernes, Setyembre 29, 2023.
Read: Pops Fernandez, "Lollipops" ang gustong tawag sa kanya ng unang apo niya
“I think, it’s not intentional. I found my happy place," sagot ng original Concert Queen.
"Nag-concentrate talaga ako sa life ko. Nag-concentrate ako sa boys ko [her sons Robin and Ram]. Nag-concentrate ako sa family ko.
“And when I finally decided to say that I really wanna move on and do things on my own, because I have accepted where I am, who I am and my independence, I think yun na yon. That was the start.”
Sumang-ayon si Pops sa aming obserbasyong malaki rin ang kinalaman ng pagkakaroon niya ng good genes.
“Ay, oo, pasalamatan natin si Dulce Lukban at si Eddie Fernandez. Si Mama siyempre, hanggang ngayon napaka-bagets looking pa rin niya.
“Again, like my song said na 'Always Love,' I think you have to love yourself.
"Once you know where you want to be and you discover kung saan mo gustong pumunta, first and foremost is you have to love yourself.
“I think maligaya naman ako right now. I’m in a very good place.
“Still single, I always say that. Still single but not sad. Still single but not really lonely.
"I think, one day soon, the time will come. Hindi ko na hinahanap, darating na lang yan."
Read: Pops Fernandez amused by fan's "act your age" comment
WRONG DECISIONS IN HER CAREER
Buong katapatan ding sinagot ni Pops ang aming sumunod na tanong tungkol sa mga maling desisyong ginawa niya sa kanyang showbiz career.
“Ay, madami naman. Huwag na siguro tayong mag-pinpoint pero marami.
"Madalas, every so often, may mga wrong. Ina-admit ko yon sa sarili ko lang. Hahaha!
“Pero what I learned in life is it is okay to make the wrong decisions because it’s better to do that than never to take a chance, lalung-lalo na sa industriya natin.
“We will never know kasi until we try it. So, kapag naging wrong or we feel that we failed, I think the best thing is to learn what made it fail and learn from that mistake.
"And then, hopefully, not to do it again or, hopefully, you just better yourself. But yes, madaming-madami.
“For me, to pinpoint, baka nakalimutan ko na because I don’t wanna dwell on the mistakes. But yes, I have to admit, madami-dami na rin siya.
“Yun na nga, I have learned to be stronger, to be responsible and I have learned to not to be scared to make the mistakes.”
Apat na dekada na ang nakalilipas mula nang mag-umpisa ang career ni Pops bilang mang-aawit at aktres.
Isang rebelasyon ang sinabi ni Pops na sampung taon lamang sa showbiz ang ibinigay niya noon sa sarili, pero umabot ng apat na dekada ang kanyang hanggang ngayon ay matagumpay na entertainment career.
“I feel very blessed and grateful kasi nung nag-umpisa ako, honestly, in my mind, pa-cute lang ito.
"I just want to experience being in showbiz because feeling ko kasi nung bata pa lang ako, I want to be in showbiz because my mom and dad were in showbiz.
“So, I thought back then when I was starting, ten years was long enough. Sinabi ko sa sarili ko after ten years, baka puwede na uli akong bumalik sa school.
"I wanted to finish my college degree and all that. And I wanted to go to college. Hindi na nangyari yon kasi ang dami nang nangyari sa buhay ko.
"So, looking back, who would have thought that I would still be in the business after forty years?
"For me it’s a blessing and I am very, very grateful sa lahat-lahat ng nangyari sa akin. Sa lahat ng mga nakatrabaho ko,” lahad ni Pops na nalampasan pa ang showbiz career ng kanyang mga magulang.
Kahit sinabi ni Pops na sinubukan na niya noon ang semi-retirement sa entertainment industry, mahirap paniwalaan dahil hindi naman naramdaman ng publiko ang pagkawala niya.
ONE OF THE NICEST PEOPLE IN SHOWBIZ
Sa isang interbyu naman kay Kuh Ledesma, nagsalita itong si Pops ang isa sa mga pinakamabuting taong nakilala niya sa industriya.
Tinanong namin ang reaksiyon ng kinikilalang Concert Queen ng Pilipinas tungkol dito.
Read: Kuh Ledesma opens up about failed marriage: "I was so broken."
Saad ni Pops, “I fall in love with the people I work with. Gusto ko parati, kapag may project, happy-happy lang ang lahat.
“Ako rin minsan, kapag hindi ko pa nakakatrabaho, parang ninenerbiyos ako. 'Magki-click ba kami together? Mabait ba ito?'
“But I end up being friends with them because I love working with the people I work with and, I think, that’s one of the secrets also na imbes na mag-intrigahan kayo, ang gusto ko mas makilala ko sila at mas marami pa rin akong natututunan.
“Minsan siguro, hindi ako sang-ayon sa mga gusto nila o sa sinasabi nila, but marami pa rin akong natututunan.
"Basta ang parang point ko is we are all different, we all have different styles, so we all have to respect each other.”
Tanggap ni Pops na naging mabuti sa kanya ang industriya nang sabihin niya, “Although maraming ups and downs, overall, it has been very kind to me.”