PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angela Morena: Sexy Roles vs. Mom's Values

Ina ni Angela Morena, hindi pinapanood ang Vivamax projects niya
by Jojo Gabinete
Published Sep 27, 2023
angela morena bjj
Angela Morena on her wish for two other sisters if they also decided to enter showbiz: “Kung gusto nilang mag-artista, sana mag-wholesome na lang sila. Tama na yung kaming tatlo nina Steph at Micaella ang nagpapaseksi. Parang enough na yung kaming tatlo. At saka hindi madali, lalo na maraming mga tao na hindi open talaga…."
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram

Ang BJJ (Brazilian jiu-jitsu): Woman On Top ang ikalabintatlong pelikula ni Angela Morena para sa Vivamax.

Pero sa dami ng proyekto na kanyang ginawa, ang Bata Pa Si Sabel ang tanging pinanood ng nanay niyang nakababatang kapatid ng dating sexy star na si Lara Morena.

“Ayaw niyang manood. Ang sabi niya, okay daw siya na mag-promote, i-share ang photos, pero hindi niya kayang panoorin.

“Umiiyak kasi ang nanay ko kapag nakikita niya kami onscreen,” kuwento ni Angela tungkol sa kanyang ina.

Inamin ni Angela na labag sa kalooban ng kanilang ang pagpapaseksi nila sa pelikula ng mga kapatid niyang sina Stephanie Raz at Micaella Raz.

Read: Sexy stars na sina Angela Morena, Stephanie Raz, at Micaella Raz mentors kung ituring sina Lara Morena at Paolo Bediones

Lahad ni Angela, “Napanood niya yung Bata Pa Si Sabel, umiyak siya.

"Naintindihan naman niya, sobrang proud niya sa amin.

“Palagi niyang sinasabi, 'Proud na proud ako sa inyo. Susuportahan ko kayo kung saan ninyo gusto. Kung saan kayo masaya at kung anuman ang desisyon ninyo sa buhay.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta sabi niya, ‘I won’t judge you.’”

Nakausap ng Cabinet Files si Angela sa media conference ng BJJ: Woman On Top nitong Martes ng hapon, Setyembre 26, 2023.

Si Angela ang panganay sa limang magkakapatid na puro babae. Twelve years old siya nang maghiwalay ang mga magulang nila.

Ayon kay Angela, alam ng tatay niyang mga sexy star sila ng kanyang mga kapatid pero hindi nila napag-uusapan.

“Okay po kami ng dad ko ngayon. Nasa Bacolod siya. Actually, nakakapag-video call kami paminsan-minsan.

“Wala naman siyang ibang comment [sa pagpapaseksi namin sa pelikula]. Ang gusto lang niya, makatapos kaming lahat ng pag-aaral. Yun ang lagi niyang sinasabi.

“Si Steph po, ga-graduate na next year. Si Micaella, nasa college din.”

Si Angela naman ay nagtapos ng Business Administration Major in Marketing sa St. Nicholas College of Business and Technology sa San Fernando, Pampanga, noong July 2023.

“Nagsikap akong tapusin ang pag-aaral para maging role model ako sa mga kapatid ko na kahit nagtatrabaho tayo as long as gusto natin, kaya natin gawan ng paraan,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dalawa pang nakababatang kapatid nina Angela, Stephanie, at Micaella ay may edad na 18 at 15. Kung sakaling magpakita ng interes na pumasok sa showbiz ang mas batang mga kapatid nila, gusto ni Angela na maging wholesome actress sila.

Saad niya, “Kung gusto nilang mag-artista, sana mag-wholesome na lang sila.

“Tama na yung kaming tatlo nina Steph at Micaella ang nagpapaseksi. Parang enough na yung kaming tatlo.

"At saka hindi madali, lalo na maraming mga tao na hindi open talaga…."

Nag-aral si Angela ng BJJ na popular na Brazilian martial arts para maging kapani-paniwala siya sa karakter na kanyang ginampanan sa pelikula, pero kapalit nito ang pagkakaroon niya ng mga pasa sa katawan.

“There’s no injury pero may mga pasa kasi may mga fight scene akong ginawa.

“Tungkol sa women empowerment ang BJJ, how to defend themselves, especially sa pelikulang ito, my character was a victim of sexual assault kaya importante na matuto ng BJJ or any kind of self-defense."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang singer at Bidaman winner na si Yuki Sakamoto ang love interest ni Angela sa BJJ: Woman On Top.

yuki sakamoto

Yuki Sakamoto

Ayon kay Angela, “First time kong naka-work si Yuki. Sobrang bait, sobrang gentleman niya.

"Sa mga eksena namin, ako yung umalalay sa kanya dahil baka may respeto talaga siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First time niya na magbida, nag-uusap kami. Sabi ko, ‘Yuki, okay lang, hawakan mo yung legs ko.’

“Talagang kinukuha ko ang kamay niya, ‘Hawakan mo ako dito.’

“Hindi na kami nakapag-workshop. Nag-meet kami sa script reading.

"May konting workshop pero puro batuhan lang ng lines at familiarizing ourselves sa character.”

Simula sa darating na Huwebes, Setyembre 28, 2023, mapapanood sa Vivamax ang 13th project ni Angela na umaasang tatalab sa bagong pelikula niya ang numerong masuwerte o Lucky 13 para sa mga Hindu, Greek, at Thai.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angela Morena on her wish for two other sisters if they also decided to enter showbiz: “Kung gusto nilang mag-artista, sana mag-wholesome na lang sila. Tama na yung kaming tatlo nina Steph at Micaella ang nagpapaseksi. Parang enough na yung kaming tatlo. At saka hindi madali, lalo na maraming mga tao na hindi open talaga…."
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results