Napaluha si Ricky Davao nang masulyapan nito sa LED screen sa studio ng Fast Talk With Boy Abunda ang larawan ng anak niyang si Rikki Mae habang nagaganap ang panayam ni Boy Abunda sa live guesting ng aktor ngayong Martes ng hapon, Setyembre 26, 2023.
Hindi napigilan ni Ricky ang maluha habang pinag-uusapan nila ang kuwento nang mag-come out sa kanya si Rikki Mae bilang miyembro ng LGBTQ community.
Read: 9 celebrity parents who embrace and support their LGBTQ+ children
“Ibang-iba ang pag-come out [niya sa akin],” sabi ni Ricky.
“I remember na something happened sa school, nabalitaan ko.
“Nag-aayos ako ng shoes tapos nagalit ako, binato ko. Hindi naman siya tinamaan. Then she cried.
"And then, the following day, I got a love letter saying sorry.
“Sinabi niya, 'Dad, I’m just different.’ That she’s an LGBT… ganyan.
“Of course, natanggap ko naman agad kasi I love her and I respect whatever makes her happy.”
Read: Jackie Lou Blanco recounts the moment daughter Rikki Mae told her, "Mama, I’m gay."
Humingi ng paumanhin si Ricky dahil sa hindi inaasahang pag-iyak kaya nakalimutan niyang sabihing ipinagtapat sa kanya ni Rikki Mae ang gender preference nito sa pamamagitan ng isang handwritten letter sa yellow pad.
Napaluha rin si Ricky nang magsalita ito tungkol sa adbokasiya ni Boy, ang Make Your Nanay and Tatay Proud, dahil naalaala niya ang kanyang mga pumanaw na magulang.
“Palagi akong nata-touch everytime you say that,” sabi ni Ricky kay Boy.
“Wala na kasi sila pareho. Saka hindi na nila inabot kung ano ako ngayon so tinatamaan ako.”
Ang ama ni Ricky ay ang yumaong aktor na si Charlie Davao.
Read: Charlie Davao fought bravely until the end
Nang matapos ang panayam sa kanya ni Boy, binanggit ni Ricky sa Cabinet Files na siyam na taon pa lamang siya nang maulila sa ina dahil sa meningitis tuberculosis.
Lumaki siya sa piling ng kanyang stepmother pero nangulila siya sa pagmamahal ng isang tunay na ina.
Ano naman ang reaksiyon niya tungkol sa sinabi ng ex-wife niyang si Jackie Lou Blanco na pinagsisisihan nito ang pakikipaghiwalay sa kanya?
Read: Ricky Davao, Jackie Lou Blanco open secret ang estado ng relasyon
Saad ng actor-director, “It happened naman twenty years ago and we just have to move on. Yung nangyaring ito, wala sa plano.
“You have to accept. You have to move on.”
Inamin ni Ricky sa Cabinet Files na masayang-masaya siya ngayon sa piling ng kanyang karelasyon.
Read: Ricky Davao, may love life ngayon: "It's an open book. Kaya lang ako, I'm not very open about it."