Ang kuwento ni Baron Geisler sa press conference ng GG (GoodGame) na siya ang kinausap ng mga producer ng Mediaworks para magkaroon ng partisipasyon sa e-sports movie, na pinangungunahan ng matinee idol na si Donny Pangilinan, ang kumpirmasyon sa balitang hindi na siya contract star ng Viva Artists Agency (VAA)
Ang VAA ang talent management arm ng Viva Entertainment na nagbigay sa kanya ng maraming proyekto.
Read: Baron Geisler, malaki ang pasasalamat dahil sa patuloy na pagtanggap sa kanya ng industriya
Sa presscon ng GG noong Huwebes, Setyembre 21, 2023, hindi napag-usapan ang dahilan ng paghihiwalay ng landas ni Baron at ng Viva Artists Agency kaya walang nakakaalam kung sino ngayon ang namamahala sa makulay na showbiz career niya.
Lahad ni Baron, “Kinontak po ako ng Mediaworks, nagpapasalamat po ako sa mga bosses natin.
“Sabi nila, ‘This is tailor-made for you, Baron, it’s a quirky character.’
“Nung sinabi sa akin na quirky tapos ipinakita sa akin yung sketch ng character, sabi ko, ‘Wow, I wanna do something na first time.’
“Maiba naman sa pananakit ng tao, sa pagiging kontrabida.
“I wanna do it especially with my fellow brothers and sisters in Christ.
"So, aside from just shooting this film, ang dami ko rin natutunan kay Miss Maricel and kay Boss Anthony. Ginuide nila ako throughout the film and outside pa, hanggang ngayon so I’m eternally grateful,”
Ang mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa at anak nilang si Donny ang mga may-ari ng Mediaworks, isa sa mga producer ng pelikulang balak isali sa 49th Metro Manila Film Festival sa December 2023.
Read: Bagong pelikula ni Donny Pangilinan na 'GG,' isang family event
Hindi lamang ang maayos na pakikisama sa kanya ng Pangilinan family ang ikinuwento ni Baron dahil pinuri rin niya ang pagiging magaling na aktor ni Donny.
“Parang family sa set and also, si Donny, nakikita ko siya as parang love team. Dun siya magaling.
"Pero dito, nagulat ako na ang galing niyang lider sa set, as a producer. Not only as a producer but also as an actor. Sobrang prepared. Alam niya yung lines niya.
"May mga dramatic scene kami and when I look at his eyes, may karga. Nadadala ako and great actor," sabi niya tungkol kay Donny.
Read: Baron Geisler gets invited to ABS-CBN Ball after 14-year ban: “I won’t mess it up.”
DONNY'S PERSONAL CHOICE
Ipinagtapat naman ni Donny ang isang fun fact: siya ang humiling na isama si Baron sa cast ng GG dahil bilib siya sa kanyang kapwa aktor.
“Ako ang nag-request kay Baron. Ako ang nagsabi, 'Guys, puwede ba si Coach Chris, si Baron, kasi napanood ko yung works niya.’
“Sabi ko, parang first time niya, if i-accept niya ito na makakagawa siya ng role na very different from his previous roles like he mentioned.
“And I would say, you [Baron] are probably one of my favorite characters in this movie.
"I’m so excited for you guys to see this version of Baron. Very different, very bubbly, very charismatic.”
Gaya ni Donny, magagandang salita tungkol kay Baron ang namutawi mula sa bibig ni Anthony dahil natuklasan niya sa set ng GG ang ugali ng 41-year-old actor.
“Dun po namin nakita yung katauhan ni Baron na hindi nakikita ng iba.
"Inspite of the different challenges, struggle we had, this guy was a hundred percent in the film, during shooting but also outside,” testimonya ni Anthony.