PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lito Gruet: Rise, Fall, Resilience

Isa na siyang anti-drug advocate via his Battle Against Ignorance Foundation.
by Jojo Gabinete
Published Sep 11, 2023
Lito Gruet in the 80s as an actor; in 1995, the year he was busted; now, as an advocate of helping the homeless people reform their life
Three important phases in Lito Gruet's life: (L) In the 80s, he was top model; (M) in 1995, he was caught with two decks of shabu, and was jailed; (R) at present, he helps homeless people reform their lives.
PHOTO/S: courtesy of Lito Gruet

Makalipas ang dalawang dekada, muling bumalik si Lito Gruet sa M. Adriatico St., isang kalye sa Maynila, para sariwain ang nakaraang nagturo sa kanya ng mga importanteng aral sa buhay.

Si Lito ay top male model noong dekada ‘80 bago siya pumasok sa showbiz at naging aktor.

Lito Gruet as PMAP model

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lito Gruet

Nawala siya sa sirkulasyon nang maging alipin ng illegal drugs.

Labing-anim na taong nalulong si Lito sa paggamit ng shabu, at naranasan niyang maging homeless at halukayin ang laman ng mga basura mula sa mga fast-food restaurant para makakain.

Malayung-malayo ito sa glamorosong pamumuhay niya noong modelo at aktor pa siya dahil mga sikat na tao sa lipunan ang kanyang mga kaibigan at kahalubilo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read related stories:

Baron Geisler details how alcohol and drugs almost destroyed his life: "Wala ako sa tama kasi laging may tama."

Amy Austria, isiniwalat na nagbaon ng shabu sa spiritual retreat: "Adik ako. Lulong ako."

Ang pagiging ignorante raw naging ang ugat ng pagkakaroon niya noon ng masamang bisyo na matagal bago niya natakasan kaya natuto siyang magnakaw at magbenta ng ilegal na droga, na naging sanhi ng pagkakaaresto at pagkakakulong niya.

 Lito Gruet

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lito Gruet mug shot

TURNING OVER A NEW LEAF

Sa Cebu na siya naninirahan.

Tuluyan nang natakasan ni Lito ang madilim na kahapon nang isuko niya sa Panginoong Diyos ang lahat ng kanyang mga problema at bisyo, at nang magdesisyon siyang pumasok sa drug rehabilitation center.

Mula noon, nagbago ang takbo ng kanyang magulong buhay. Nakilala niya si Stella, ang kapatid ng aktres na si Chanda Romero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpakasal sina Lito at Stella, at namuhay sa Hong Kong nang matagal na panahon.

Nang magretiro si Stella sa kompanyang pinagtatrabahuan sa Hong Kong, nagpasya sila ni Lito na manirahan nang permanente sa Cebu.

Tila naging misyon sa buhay ni Lito ang masagip mula sa masamang bisyo ang mga lulong sa droga at matulungan silang makabangon.

Lito Gruet's Battle Against Ignorance (BAI ) Foundation has helped people reform their lives

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Battle Against Ignorance (BAI ) Foundation na pinamumunuan niya ay tumanggap ng parangal na Institution of the Year – Outstanding Brand of 2023 nito lang August.

Bukod sa parangal na tinanggap ni Lito, nagsadya rin siya sa senado at nagkaroon ng courtesy call sa mga artistang senador na sina Robin Padilla, Bong Revilla, at Lito Lapid—na buung-buo ang suporta sa BAI.

Ang sabi ng dating model-actor, “The good senators have given their support in ‘battling the ignorance’ of society, and in our mission to save lives.

“Most abandoned street dwellers and substance abusers are most likely victims of a past trauma. Let us stop the stigma in claiming that all substance abusers are evil and that all street dwellers are hopeless! We can prove you wrong!

“Let us all join hands in helping the lonely, broken, wounded, abandoned and hurting. They could be your very own family."

WHERE IT ALL BEGAN

Kasama ang broadcast journalist na si Julius Babao, binalikan ni Lito ang mga dating lugar sa Maynila na tinatambayan niya noong lulong pa siya sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ang “illusion” sa Kathryn Bernardo painting na pag-aari na ngayon ni Julius Babao

“Wala na ang mga kilala ko. Ilang dekada na kasi ang nakalipas,” ang pahayag ni Lito sa Cabinet Files kahapon, September 10, 2023.

Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Lito habang binabalikan niya ang mga lugar nanging bahagi ng kanyang nakaraan.

“Mixed emotions but grateful na rin na iba na ang rason sa pagbalik ko doon,” ani Lito.

Ipinagtapat ni Lito na isang kapwa aktor ang nagturo sa kanya na gumamit ng shabu, pero tahimik na rin ang pamumuhay ng tao na kanyang tinutukoy.

“Nag-reunion na kami ng ilang beses. He is doing great and drug-free na rin, but living a quiet life."

Ang life story ni Lito ay patunay na habang may buhay, hindi dapat mawalan ng pag-asa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Three important phases in Lito Gruet's life: (L) In the 80s, he was top model; (M) in 1995, he was caught with two decks of shabu, and was jailed; (R) at present, he helps homeless people reform their lives.
PHOTO/S: courtesy of Lito Gruet
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results