Malaki ang posibilidad na pumunta sa South Korea si Kotaro Shimizu bago matapos ang 2023.
Ito ay para tuparin ang pangarap niyang makapag-ensayo sa nasabing bansa dahil seryoso siyang maging miyembro ng isang K-pop group.
Si Kotaro ang 21-year-old Filipino-Japanese, star-material son ni Jean Garcia na papasang Koreano dahil sa kanyang physical appearance.
Sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sinabi ni Kotaro na nagsimula ang kanyang pangarap maging bahagi ng isang K-pop group noong nakaraang taon.
“I am training po for singing and Korean language. Nanonood din po ako ng K-pop concerts,” pagbabahagi ni Kotaro.
Unang napansin ng publiko ang potensiyal ni Kotaro na maging artista nang samahan niya si Jean sa pagdalo nito sa GMA Gala Night na ginanap sa Shangri-La The
View this post on Instagram
Read: Meet Jean Garcia's son Kotaro; netizens swoon over resemblance to BTS member V
Ayon pa kay kay Kotaro, “Nagkaroon po ako ng offers from GMA and ABS-CBN after GMA Gala last year.
“Nagkaroon din po ako ng fans. Nagte-text sila sa akin at mine-mention nila ang IG stories ko.”
Nararamdaman ni Kotaro na susundan niya ang yapak sa pag-arte ng kanyang ina at kapatid na si Jennica Garcia, pero mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang maging K-Pop star.
“Puwede naman po [umarte ], pero ang main goal ko, K-pop po. Gusto kong maging member ng international group.
“Feeling ko, papunta [ako sa pag-arte] pero mas gusto kong unahin ang music.
“This year po, pupunta ako sa Korea, pero hindi ko alam kung gaano ako katagal doon, depende sa Korean companies na contact ko,” sabi ni Kotaro.
View this post on Instagram
Seryoso si Kotaro sa kanyang plano para sa pinapangarap na international singing career.
Hindi ipinagkaila ni Kotaro na medyo nahirapan siyang kumbinsihin ang kanyang ina na payagan siyang bumiyahe sa South Korea.
Pero tulad ng sinabi ng aktres sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda, "Ang pangarap mo, ituloy mo lang anak. Nandito lang ako."