PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jay Manalo, absuwelto sa kusina sa Cebu

"CA" at hindi "JM" umano ang initials ng "actor boytoy" ng kilalang politiko.
by Jojo Gabinete
Published Sep 7, 2023
jay manalo
Jay Manalo on being dragged into "bardagulan" of two prominent personalities in Cebu: “Well, balita yan, e, wala tayo magagawa diyan. Sana lang, check na muna nila kung yung tao bang idadamay nila ay pamilyado o hindi. Kahit ang asawa ko, matatawa diyan, kaya lang nakakahiya sa mga anak ko.”
PHOTO/S: ABS-CBN

Absuwelto si Jay Manalo sa pagkakasangkot nito sa “bardagulan” sa Cebu na kinasasangkutan nina Governor Gwendolyn Garcia at Dr. Rowena Burden.

Umalma si Jay nang kumalat sa social media noong Miyekules, Setyembre 6, 2023, na siya umano ang tinutukoy ni Dr. Burden na aktor na diumano’y "boytoy" ng kilalang pulitiko.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Jay, nanindigan itong wala siyang kinalaman sa isyung pinagpipistahan at lalong hindi niya kilala ang mga taong nagpapalitan ng mabibigat na paratang.

Read: Jay Manalo, itinangging siya ang "actor boytoy" na inuugnay sa isang politiko

Ilang oras matapos mailathala ang pahayag ni Jay sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), nag-post si Dr. Burden sa Facebook page nito ng paglilinaw tungkol sa tinutukoy niyang "boytoy."

Aniya, "The initials are CA, not JM.

"JM, my friends find acceptable. CA, unanimous decision against.

“There will be no confirmations here because the hunky actor is a private citizen. But at least, JM won’t be speculated about.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

rowena burden post

Kahit hindi magkakilala, nagpasalamat si Jay sa cardiologist na si Dr. Burden na naglinaw na hindi ang hunk actor ang tinutukoy na "actor boytoy" sa kontrobersiyal na isyu.

“Salamat kay Burden kung sino man siya,” pahayag ni Jay sa Cabinet Files.

“Well, balita yan, e, wala tayo magagawa diyan. Sana lang, check na muna nila kung yung tao bang idadamay nila ay pamilyado o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit ang asawa ko, matatawa diyan, kaya lang nakakahiya sa mga anak ko.”

Ano ang reaksyon ni Jay sa mga Facebook post ni Dr. Burden?

Sagot niya, “Wala ako dapat na sabihin o linisin kasi umpisa pa lang, alam ko na bogus na yan.

“Using other people for their own gain. Alam ni Lord yan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay Manalo on being dragged into "bardagulan" of two prominent personalities in Cebu: “Well, balita yan, e, wala tayo magagawa diyan. Sana lang, check na muna nila kung yung tao bang idadamay nila ay pamilyado o hindi. Kahit ang asawa ko, matatawa diyan, kaya lang nakakahiya sa mga anak ko.”
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results