PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jay Manalo Linked to Politician

Jay Manalo: “Please, huwag ninyong gamitin ang name ko..."
by Jojo Gabinete
Published Sep 6, 2023
jay manalo actor boytoy
Jay Manalo on rumor linking him to Cebu Governor Gwen Garcia: “I really don’t know her [Garcia] and I never met her. Hindi ko siya kilala personally at never kami nag-meet niyan. At pakiusap sa ibang mga artista, huwag sila manggamit ng ibang kapwa artista nila just to save their face or career. Check muna nila kung pamilyado ba yung ginagamit nilang name.”
PHOTO/S: @jayman301 on Instagram

Nadadawit ang pangalan ng aktor na si Jay Manalo sa pinagpipistahang sunud-sunod at maseselang pahayag ng Cebu-based cardiologist na si Dr. Rowena Burden laban kay Cebu Governor Gwen Garcia.

Si Jay ang napagbibintangang tinutukoy ni Burden na "actor boytoy" sa series of blind items na inilabas nito sa Facebook.

Pinag-uusapan ang mga rant ni Burden dahil sa pagsasangkot nito sa isang hunk actor.

Read: Jay Manalo, umaming nagkaroon na ng gay experience

Ngayong Miyerkules, September 6, 2023, pinangalanan ng ilang netizens ang "actor boytoy" na subject ng mga juicy blind item ng Cebu-based doctor.

Si Jay ang kanilang binanggit at ang mga larawan ng aktor ang ginamit nila sa mga social media post.

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Jay para sa kanyang reaksiyon.

Tulad ng inaasahan, nagulat ang aktor sa pagkakasangkot niya sa isang usaping wala umano siyang kinalaman at kamalay-malay.

Pahayag ni Jay sa Cabinet Files, “Sa totoo lang, noon ko pa narinig yan at witness ko sina Bro. Rob Sy at Mareng Nadia Montenegro. Panahon pa noon ng pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, yung nagtanong sa akin niyan ay government official. Then, ang sagot ko sa kanya, 'Sinong Garcia?'

“E, hindi ko nga alam na government official din pala yung itinatanong niya sa akin.

"So, from there and then, naguluhan na rin siya."

Iginiit ni Jay na hindi niya kilala si Governor Gwen Garcia.

“Hindi ko talaga siya kilala, kahit sino sa kanilang dalawang magkaaway," pagtukoy niya kina Garcia at Burden.

Kasunod nito ang mahigpit na panawagan ng aktor na huwag siyang idawit sa kontrobersiya, alang-alang sa kanyang pamilya.

Read: Jay Manalo, may 12 anak sa anim na babae at may dalawa nang apo

Pahayag ni Jay, “Please, huwag ninyong gamitin ang name ko dahil pamilyadong tao ako. Never akong napupunta sa Cebu.

“Huling punta ko diyan, celebrity basketball event. After that, balik na rin sa Manila.

“I really don’t know her [Garcia] and I never met her. Hindi ko siya kilala personally at never kami nag-meet niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At pakiusap sa ibang mga artista, huwag sila manggamit ng ibang kapwa artista nila just to save their face or career.

“Check muna nila kung pamilyado ba yung ginagamit nilang name.”

Pumayag si Jay na magsalita sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) para matahimik at maabsuwelto siya sa isang isyung maselan, malisyoso, at hindi umano totoo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay Manalo on rumor linking him to Cebu Governor Gwen Garcia: “I really don’t know her [Garcia] and I never met her. Hindi ko siya kilala personally at never kami nag-meet niyan. At pakiusap sa ibang mga artista, huwag sila manggamit ng ibang kapwa artista nila just to save their face or career. Check muna nila kung pamilyado ba yung ginagamit nilang name.”
PHOTO/S: @jayman301 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results