Dumalo si Marco Gumabao sa red-carpet premiere ng Kidnap for Romance na ginanap sa SM Megamall Cinema noong Martes ng gabi, September 5, 2023, bilang suporta sa kanyang girlfriend na si Cristine Reyes.
Read: Marco Gumabao admits saying "I love you" first to girlfriend Cristine Reyes
Si Empoy Marquez ang kapareha ni Cristine sa kanilang romantic-comedy movie na magbubukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, September 6.
Nang hingan ng mensahe si Marco, nagbiro siya ng “I’m sure magseselos ako kay Empoy” dahil alam niyang may mga romantic scene sina Empoy at Cristine sa pelikulang panonoorin niya.
Ang Kidnap For Romance ang unang pagtatambal nina Cristine at Empoy sa pelikula.
Pareho nilang sinabing katuparan ng pangarap nila ang pagsasama sa isang proyekto.
"Ultimate Leading Man" ang pakilala kay Empoy.
Nakaranas siyang maging leading man sa kauna-unahang pagkakataon sa Kita Kita, ang box-office hit movie nila ni Alessandra de Rossi noong 2017.
Read: Empoy Marquez, wala raw love life pero may kalaro
Nagkasunud-sunod ang pagbibida ni Empoy sa mga pelikula at sitcom. Pero hanggang ngayon, sinasabi niyang mahirap pa ring paniwalaang lead roles na ang kanyang mga ginagampanan.
Ang reimagined version ng 1975 Manila Sound hit song na "T.L. Ako Sa 'Yo," na pinasikat ni Yolly Samson, ang ginamit na soundtrack sa Kidnap for Romance dahil bumagay ang lyrics ng kanta sa kuwento ng pelikula.
Pumanaw si Yolly noong November 1997 dahil sa brain cancer.
Ang Viva recording artist na si Shanne Dandan ang umawit ng reimagined version ng "T. L. Ako Sa 'Yo."
View this post on Instagram
Malaking karangalan daw para sa kanya na siya ang napiling mag-record ng “dreamy cover” ng popular na kanta ng Cinderella.
Nag-umpisa ang singing career ni Shanne nang sumali siya sa unang season ng The Voice Kids Philippines noong 2014; at si Lea Salonga ang coach niya.
Sina Lyca Gairanod, Darren Espanto, at JK Labajo ang ilan sa mga kasabayan ni Shanne sa reality talent competition show ng ABS-CBN na sinalihan niya noong 13 years old siya.