PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jose Mari Chan's Christmas Tradition

Jose Mari Chan, simula na ang pagiging abala ngayong 'ber' months.
by Jojo Gabinete
Published Sep 1, 2023
jose mari chan fast talk
Dahil simula na ng 'ber' months, magiging busy na naman ang veteran singer na si Jose Mari Chan para maghatid ng kasiyahan ngayong Christmas season.
PHOTO/S: GMA Network

Naging simbolo na ng Pasko sa Pilipinas ang legendary singer na si Jose Mari Chan kaya binansagan siyang "Mr. Christmas."

Ilang araw bago sumapit ang unang araw ng Setyembre, nagkalat na ang mga meme sa social media tungkol sa kanyang pagsilip na hudyat ng pagdating ng espesyal na okasyong ipinagdiriwang ng buong mundo.

Read: Funny Jose Mari Chan memes are the perfect way to welcome -ber months

Ilang taon nang tradisyon sa Unang Hirit, ang early morning program ng GMA-7 na tuwing Setyembre 1, bisita nila si Jose Mari na kasama nila sa maagang pagsalubong sa Pasko na mahabang panahong selebrasyon sa Pilipinas.

Read: Jose Mari Chan, sinalubong ang Ber months sa "Unang Hirit"

“I always wake up at 3 a.m. for my Unang Hirit guesting,” sabi ni Jose Mari nang makausap ng Cabinet Files.

Ipinaalaala naming tiyak na espesyal na panauhin siya sa morning program ng Kapuso network, na nangyari nga nitong maulan na umaga ng Biyernes, September 1, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bisita rin si Jose Mari sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes ng hapon.

Para maiba, ang singer na si Zephanie Maranan ang kasama niya nang kantahin nila ang kanyang iconic Christmas song na "Christmas in Our Hearts."

boy jose mari zephanie fast talk

Kasama ang "Christmas in Our Hearts" sa pampitong studio album at kauna-unahang Christmas album ni Jose Mari na inilabas ng Universal Records noong November 17, 1990.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Duet song ni Jose Mari at ng kanyang anak na si Liza ang "Christmas in Our Hearts," pero si Lea Salonga ang original choice niya na kasama sa pagkanta.

“At that time, Lea Salonga was a hit because of Miss Saigon so I approached her and asked her if she would do a duet with me,” kuwento ni Jose Mari sa guesting niya sa showbiz talk show ni Boy Abunda.

Nagustuhan ni Lea ang melody ng kanta na ipinarinig sa kanya ni Jose Mari kaya pumayag ang Broadway star na i-record nila ang "Christmas in Our Hearts," pero hindi natuloy dahil sa exclusive contract ni Lea sa ibang recording company.

Read: Did you know: Lea Salonga almost sang “Christmas in Our Hearts" with Jose Mari Chan

Si Monique Wilson ang understudy ni Lea sa Miss Saigon at siya ang sumunod na nilapitan ni Jose Mari. Pero nang malapit na ang araw ng kanilang recording, nawalan ng boses ang singer-actress nang magbakasyon ito sa Tagaytay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil minamadali na si Jose Mari ng Universal Records na i-record ang Christmas album, ang anak niyang si Liza ang kanyang pinakiusapan.

Pumayag si Liza na gawin nila ang duet song, at walang-wala sa kanilang isip na makagagawa sila ng kasaysayan.

Tila hindi kasi kumpleto ang Pasko sa Pilipinas kapag hindi maririnig at hindi kakantahin mula Setyembre hanggang Enero ang "Christmas in Our Hearts."

Pero makalipas ang napakaraming taon, nagkaroon ng pagkakataon sina Jose Mari at Lea na awiting magkasama ang "Christmas in Our Hearts" dahil wala nang kontrata sa recording company ang international Filipino singer-actress.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil simula na ng 'ber' months, magiging busy na naman ang veteran singer na si Jose Mari Chan para maghatid ng kasiyahan ngayong Christmas season.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results