Ang pilot telecast ng The Voice Generations kagabi, August 27, 2023, ang validation o pagpapatunay ng popularidad sa kasalukuyan ni Stellvester Ajero o Stell, ang main vocalist, dancer, at choreographer ng P-pop group na SB19.
Read: SB19 Stell Ajero on coaching stint for 'The Voice Generations': "Masaya ako na naging Kapuso ako."
Kasama sina Chito Miranda, Julie Anne San Jose, at Billy Crawford, si Stell ang isa sa apat The Voice Generations coaches.
Hanggang ngayon, trending sa iba’t ibang social media platforms ang kanyang pangalan dahil sa partisipasyon niya sa reality talent competition program ng GMA-7.
Nakadagdag sa kumpirmasyon ng kasikatan na tinatamasa ni Stell na ito ang paborito at gustong maging coach ng unang batch ng mga sumali sa blind auditions ng The Voice Generations.
Hindi lamang magaling na mang-aawit at dancer si Stell. Bilang coach ng talent competition show na kinabibilangan, ipinakita niya ang nakakatawa pero hindi nakakairitang karakter o nagpapakitang-gilas.
Hindi nakapagtatakang bilib sa kanya ang kapwa The Voice Generations coach na si Chito.
Sa isang interbyu, pinuri ni Chito ang mga katangian ni Stell na natuklasan niya mula nang magkasama sila sa The Voice Generations.
Saad ng Parokya Ni Edgar lead vocalist, “He is such a revelation for me kasi ang pagkakakilala ko lang kay Stell is one of the members of SB19.
“I am familiar with SB19. Sobrang fan ako ng work nila. Pero as individuals, I didn’t know them.
"Tapos, nang ma-meet ko si Stell, he was just the guy from SB19. Never naman kaming nag-talk.
“But when we get to hang out, pictorials and everything, everything that he does is so entertaining.
"And everything that he says is so humble and may wisdom na pambata. Alam mo yung hindi nagmamarunong?
"Kung paano niya gustong i-push ang sarili niya na makikita mo how hardworking they are at kung paano niya purihin yung mga kasama niya sa group.
"And I’m a sucker for that. That’s how I talk pagdating sa bandmates.
"Alam ko lahat sila may saltik pero I always see the good in them. Siya ganoon din, palaging may puri when it comes sa grupo niya.
“May sinabi siya sa akin na, ‘Kung sino ‘yung weak, the other guy needs to be strong.’
“Bilib ako sa kanya, ang galing, e.”
Read: Chito Miranda, bilib na bilib kay Stell ng SB19; Stell, nagsalita na tungkol sa copyright issue