PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Drama stars Bela at JC Santos"

Kean Cipriano, nakumbinsi bang maghubad sa 'Wish You Were The One'?
by Jojo Gabinete
Published Aug 21, 2023
jc santos bela padilla wish you were the one
JC Santos and Bela Padilla star in their sixth movie together, 'Wish You Were The One.'
PHOTO/S: Viva Films

Hindi na umuwi ng Pilipinas si Bela Padilla mula sa London para sa special preview ng Wish You Were the One na ginanap ngayong Lunes ng gabi, August 21, 2023.

Hindi niya nasaksihan ang malakas na tawanan ng manonood sa mga eksena ng reunion movie nila ni JC Santos na magbubukas sa mga sinehan sa darating na Miyerkules, August 23.

Nag-uumapaw ang chemistry nina JC at Bela sa lahat ng kanilang mga eksena sa Wish You Were the One. Ayon sa ibang mga dumalo sa special preview, ito ang pinakamagandang pelikulang ginawa nila.

Read: Bela Padilla, sentimental na binalikan ang six-year friendship nila ni JC Santos

Romantic-comedy movie ang Wish You Were the One at pinatunayan ng lead stars na mahusay rin sila sa pagpapatawa, hindi lamang sa drama.

Nangyari ang kuwento ng pelikula sa same-sex wedding sa Tagaytay City na dinaluhan ng mga karakter na ginampanan nina Bela at JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa aming puwesto, kitang-kita namin na aliw na aliw si JC habang pinapanood ang mga eksena nila ni Bela, na effortless ang pagtatawa at mahusay sa pagbibitiw ng mga punchline.

Tulad ng kontrobersiyal na UP Oblation Run, may naked run scenes na nilahukan ng mga miyembro ng fraternity na kinabibilangan ng karakter ni Kean Cipriano kaya mag-iisip ang manonood kung nakumbinsi ba talaga siyang maghubad para sa eksenang importante sa kuwento ng pelikula.

Maikukumpara sa isang Korean movie o TV series na maraming twist ang plot ng Wish You Were the One na magpapasaya, magpapaiyak, at mag-iiwan ng aral sa manonood.

Ang former ABS-CBN Productions executive na si Enrico Santos ang sumulat ng kuwento ng pelikula.

Nagtagumpay siyag mapukaw ang damdamin ng mga nanood sa special preview ng Wish You Were The One.

Read: Former ABS-CBN exec Enrico Santos, full time na sa pagiging producer at screenwriter

Gaya ng mga nakaraan na proyekto nina JC at Bela, malaki ang tsansang maging blockbuster ang Wish You Were The One kapag kumalat ang word of mouth na maganda at highly-entertaining ang kanilang ika-anim na beses na pagtatambal sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC Santos and Bela Padilla star in their sixth movie together, 'Wish You Were The One.'
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results