PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bayani Agbayani's Confidence After Hair Transplant

Bayani Agbayani, natupad ang pangarap magka-bangs ulit.
by Jojo Gabinete
Published Aug 21, 2023
bayani agbayani hair transplant
Comedian Bayani Agbayani before (left) and after (center) undergoing hair transplant surgery; rightmost photo was taken on August 20, 2023.

Hair transplant procedure ang sikreto ng paglago ng buhok at bumatang hitsura ng 54-year-old comedian na si Bayani Agbayani.

Hindi inililihim ni Bayani na sumailalim siya sa hair transplant surgery at gumastos ng P300,000 para bumalik ang kanyang self-confidence na bahagyang nabawasan nang mag-umpisa ang pagnipis ng buhok niya.

“Nagpa-hair transplant ako para bumalik ang self-confidence ko,” pagtatapat ni Bayani sa Cabinet Files.

Paliwanag pa niya, “Malakas makabata ang makapal na buhok, para makasabay ako sa trabaho sa mga batang host ngayon at magamit ko rin sa roles sa movies dahil kapag naaayos ang buhok, nakatutulong para mabago ang mga character na ginagampanan ko.”

Tumagal ng halos maghapon ang hair transplant surgery kay Bayani dahil inani mula sa likod ng ulo niya ang mga buhok o hair grafts na itinatanim sa bahagi na kanyang manipis na buhok.

Lahad niya, “Kinuha sa likod ng ulo ko o sa bandang likuran ng buhok ko ang hair. Harvest ang tawag nila tapos tuloy implant sa area na nakakalbo na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Six months lang, ang lagu-lago na ng buhok ko."

Dahil sa prosesong gianwa sa kanya ay natupad ang pangarap niyang magkaroon uli ng bangs.

Ang pagsusuot ng toupee o wig, tulad ng ginagawa ng ibang mga showbiz personality, ang isang paraan upang matakpan ang nakakalbo na buhok.

Pero pinili ni Bayani ang hair transplant procedure — na literal na madugo at magastos dahil bukod sa panghabampanahon ang resulta, natural ang pagkapal ng buhok niya.

“Ayoko ng toupee,” sabi ng comedian.

Ikinuwento ni Bayani na nalagas muna ang kanyang buhok pagkatapos ng hair transplant process pero tumubo makalipas ang dalawang buwan.

“Una, malalagas yung buhok mo after two months, pero nasa ulo mo yung pinakabuto ‘ika nga ng buhok at yon ang bagong buhok na tutubo.

“Malaki ang tiwala ko kay Dr. Ryan Paraiso at sa grupo niya kaya sa kanila ako nagpagawa,” pagtatatapat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Bayani Agbayani before (left) and after (center) undergoing hair transplant surgery; rightmost photo was taken on August 20, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results