PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerry Santos, enjoy ka-chika ang mga kaibigang showbiz

Gerry Santos, balik-hosting sa YouTube business show na MBA Negosyanteng Pinoy
by Jojo Gabinete
Published Aug 20, 2023
Gerry Santos
Businessman at former Negosyo Goals host Gerry Santos, enjoy ka-chika ang mga kaibigang showbiz. Aniya, "Noong isang araw, nasa birthday party ako ni Aga Muhlach. Nakakatuwa, inilagay ako ni Aga sa tabi niya. Nandoon sina Willie Revillame, Sharon Cuneta…Si Sharon, umaga pa lang, ka-text ko na kanina. Kahapon, the whole time kaming magkausap. Tawanan lang kami nang tawanan."

Short-lived ang television hosting career ng businessman na si Gerry Santos dahil matapos ang isang season, hindi na siya bumalik bilang host ng Negosyo Goals, ang business talk program ng ALLTV Network.

“Mr. Freeze” ang bansag kay Santos dahil sa kanyang matagumpay na purified tube ice business at ito ang naging instrumento para kunin siya na host ng Negosyo Goals, pero iniwanan niya ito dala ng kakulangan ng oras.

Gerry Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Three episodes per day ang itine-tape ko sa iba’t ibang lugar. Minsan, hindi na ako puwede sa ibang activities ko.

“Naging happy naman ako sa Negosyo Goals kasi first time ko na ginawa pero may conflict talaga sa schedule ko,” paliwanag ni Santos na aminadong nakatulong ang kanyang kadaldalan para madagdagan ang celebrity friends niya.

“Noong isang araw, nasa birthday party ako ni Aga Muhlach.

“Nakakatuwa, inilagay ako ni Aga sa tabi niya. Nandoon sina Willie Revillame, Sharon Cuneta…

“Si Sharon, umaga pa lang, ka-text ko na kanina. Kahapon, the whole time kaming magkausap. Tawanan lang kami nang tawanan.

“Sharon got my number tapos niyayaya na akong mag-dinner with Kiko soon kasi nakita niya yung business model ko. Sabi niya, ‘Ang galing,’” kuwento ni Santos tungkol sa mga showbiz personality na kanyang nakasalamuha at naging kaibigan.

Katulong ni Santos ang kanyang dalawang anak sa personal na pag-aasikaso sa kanilang negosyo na may mahigit sa limampu ang bilang ng planta (na isang milyong dolyar o US$1 million ang bawat halaga) sa iba’t ibang panig ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahirap ang negosyo namin kaya mahirap na rin gayahin. Dati ang mga mall ang focus namin pero nang ituro ko sa mga maliliit na negosyante, 90% katulad ng mga sari-sari store, sila na ang nagtitinda ng mga tube ice.

“Lumiit ang kita ko pero okay sa akin dahil marami akong maliliit na negosyante na natulungan para mapalago ang mga negosyo nila. Blessing na rin, isipin mo, kung walang yelo, walang hanap-buhay.

“Tubig at kuryente ang aming puhunan pero malaki ang industrial machine na ginagamit namin.

“May filtration system kami. Maraming dinadaanan bago pumunta sa machine. Zero bacteria kami dahil iniinom ng mga tao ang aming produkto.

“Malaki ang binabayaran namin sa kuryente. Thirty five percent ng cost, sa kuryente ibinabayad. Dati mas mababa, ngayon tumaas.

“Kapag summer mataas ang konsumo ng kuryente dahil marami tayong gumagamit. E, summer din ang peak ng negosyo ko, so mataas,” ang kuwento ni Santos tungkol sa kanyang negosyo na maraming mga natulungan lalo na noong panahon ng coronavirus pandemic.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Noong pandemya, hindi kami makapagsara dahil sa mga umaasa sa amin na walang hanap-buhay noon,” ang sabi ni Santos na ipagpapatuloy ang hosting career sa MyAtoms Business Academy (MBA), ang official YouTube channel ng MyAtoms, ang supply chain management at marketing company na naglunsad sa Atomic Proboost, ang cellular nutrition juice mix na pinatibay ng Probiotics.

Gerry Santos
Jonathan Petalver

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“MBA Negosyanteng Pinoy” ang pamagat ng YouTube show ni Santos, kasama si Jonathan Petalver, ang Chief Strategy Officer ng MyAtoms at magsisimula ito sa September 6, 2023.

Layunin ng programa na tulungan ang mga micro at corporate entrepreneur sa pamamagitan ng mga payo na ibabahagi nina Santos at Petalver.

Pumirma rin si Santos ng kasunduan para sa partnership nila ng MyAtoms dahil nakita niya ang malaking potensyal na makatulong sa kalusugan ng mga Pilipino ang mga produkto ng nabanggit na kompanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Businessman at former Negosyo Goals host Gerry Santos, enjoy ka-chika ang mga kaibigang showbiz. Aniya, "Noong isang araw, nasa birthday party ako ni Aga Muhlach. Nakakatuwa, inilagay ako ni Aga sa tabi niya. Nandoon sina Willie Revillame, Sharon Cuneta…Si Sharon, umaga pa lang, ka-text ko na kanina. Kahapon, the whole time kaming magkausap. Tawanan lang kami nang tawanan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results