PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica may butt exposure sa pelikula nila ni AJ Raval

"This is the first time na nagtodo si Aljur."
by Jojo Gabinete
Published Aug 19, 2023
Aljur Abrenica, AJ Raval
Na-excite daw si Aljur Abrenica sa love scenes nila ng girlfriend na si AJ Raval.
PHOTO/S: @ajravsss Instagram

Nakatulong ang relasyon nina Aljur Abrenica at AJ Raval para maging kumportable sila sa kanilang mga eksena sa Sugapa.

Kaya sa kauna-unahan na pagkakataon, napapayag si Aljur na magkaroon ng butt exposure sa intimate scene nila ng kanyang girlfriend sa tunay na buhay.

Si Lawrence Fajardo ang direktor ng Sugapa at napakahalaga na malaki ang tiwala sa kanya ni Aljur na nakumbinsi na ipakita ang hubad na katawan sa bagong pelikula ng Vivamax na mapapanood simula sa August 25, 2023.

“Importante sa akin ang trust at si Direk Law, malaki yung tiwala ko sa kanya. Napakalinaw ng direksyon at nakatulong talaga sa trabaho ko. Malaking ginhawa,” reaksyon ni Aljur tungkol sa maseselan na eksena na ginawa nila ni AJ sa Sugapa.

Pangalawang proyekto na nila ito na magkasama. Unang nagkatrabaho ang dalawa sa Vivamax movie na Nerisa at dito nabuo ang kanilang pagmamahalan.

Pero para kay Aljur, ang Sugapa ang pelikula na talagang sila ni AJ ang magkasama.

“Working with AJ, first time iyon kasi hindi ko siya masyadong nakaeksena sa Nerisa.

“Bago lahat sa akin, na-excite ako. Sa mga love scene, lahat naman ng love scene, hindi madali kasi kailangan may anggulo. It’s well-executed. Masaya ako sa naging resulta. Masaya yung trabaho,” sabi ni Aljur na nagpasalamat kay Fajardo dahil sa mga papuri nito sa kanya.

“This is the first time na nagtodo si Aljur. I’m really happy for Aljur na nag-commit siya sa role na ito at sa eksena,” saad ni Fajardo na unang nakatrabaho sina Aljur at AJ sa Nerisa noong 2021.

“Alam ni Aljur kung ano ang eksena at yung karakter na gagampanan niya that’s why I’m happy na without hesitation, ginawa ni Aljur kung ano yung dapat gawin.

“For me, happy ako, since silang dalawa na, wala silang inhibitions sa karakter nila. I’m happy na na-achieve naman yung mga plano namin,” ani Fajardo.

Tungkol sa dalawang tao na nagmamahalan at gagawin ang lahat para sa kanilang kinabukasan ang kuwento ng Sugapa. Hindi naman nalalayo sa istorya ang relasyon nina AJ at Aljur na ipinaglaban ang kanilang pag-iibigan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Na-excite daw si Aljur Abrenica sa love scenes nila ng girlfriend na si AJ Raval.
PHOTO/S: @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results