Muling nakaramdam ng “pagod” si Jeric Gonzales, pero sa mabuti at nakakakilig na paraan, dahil sa surprise birthday party na inihanda ng kanyang girlfriend na si Rabiya Mateo.
Nangyari ang birthday surprise ni Rabiya aky Jeric sa isang restaurant/bar sa Greenbelt Mall, Makati City, kagabi, August 8, 2023.
Read: Rabiya Mateo and Jeric Gonzales: A relationship timeline
Noong August 7, Lunes, ang 31st birthday ni Jeric pero kagabi naganap ang sorpresa sa kanya ni Rabiya.

Ang alam ni Jeric, kakain lamang silang dalawa ng hapunan sa naturang lugar.
Inimbitahan ni Rabiya ang pamilya at malalapit na kaibigan ni Jeric, pero nakahalata ang Kapuso actor na may okasyon silang pupuntahan dahil nakasabay nila sa pag-akyat sa mall escalator ang ibang mga imbitadong bisita.
Read: Jeric Gonzales on Rabiya Mateo being 'the one': "I believe so."
Kahit "pinagod" siya ni Rabiya dahil napuyat sila, maligayang-maligaya si Jeric sa sorpresang kanyang natanggap.
Noong August 7 ang kaarawan ni Jeric kaya hindi niya inaasahang magkakaroon pa siya ng birthday party na matagal pinagplanuhan at pinaghandaan ni Rabiya.
Sa interbyu kay Rabiya sa guesting nila ni Jeric sa Fast Talk with Boy Abunda noong July 20, 2023, sinabi niyang si Jeric ang kanyang pahinga.
“Sa kanya ako napapagod,” sagot naman ni Jeric sa deklarasyon ni Rabiya.
Read: Rabiya Mateo, sinabing si Jeric Gonzales ang "pahinga" niya sa trabaho
Kagabi, paulit-ulit na pinasalamatan ni Jeric si Rabiya dahil sa surprise birthday celebration na may Los Angeles Lakers theme, ang paboritong NBA basketball team ng Kapuso actor.
