PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jhong Hilario Opposes Early School for Sarina

Anak ni Jhong na si Sarina, mas pinapansin ng fans sa mall.
by Jojo Gabinete
Published Aug 8, 2023
jhong hilario daughter sarina
Aminado si Jhong Hilario na mas pinapansin ng mga tao ang anak niyang si Sarina kapag nagpupunta sila sa mall dahil sa mga video nilang mag-ama sa YouTube.
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram / GMA Network

Sa darating na Biyernes, August 11, 2023, ang 47th birthday ni Jhong Hilario.

May duda siyang baka ang anak niyang si Sarina ang isa sa mga sorpresa sa kanya sa birthday celebration niya sa It’s Showtime.

Kinagigiliwan nang husto ng netizens ang two-and-a-half-year-old daughter ni Jhong. May sarili na itong fans dahil sa kanyang ipinamamalas na kakaibang talino at talento sa mga video nila ng tatay niya.

Read: Jhong Hilario happily takes on daddy duties

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng katalinuhan ni Sarina, wala sa plano ni Jhong at ng misis nitong si Maia na ipasok ito sa eskuwela sa murang edad para makapag-aral. Gusto nilang masulit ng kanilang anak ang pagiging bata.

Nag-aalala silang baka “maburyong” si Sarina kapag maaga itong nag-aral.

Nang makausap ng Cabinet Files si Jhong sa guesting nila ni Ryan Bang sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes ng hapon, August 8, 2023, ikinuwento niyang si Sarina at hindi siya ang pinapansin ng mga tao kapag nagpupunta sila sa mall.

Matatas magsalita, magaling kumanta at sumayaw si Sarina kaya tuwang-tuwa sa kanya ang mga sumusubaybay at nanonood sa performances nila ni Jhong sa YouTube channel nito.

Sinabi ni Jhong na sanggol pa lamang si Sarina ay nagpapatugtog na siya ng musika sa tabi ng kanyang anak.

Kinakausap din ni Jhong si Sarina na parang magkaedad lamang sila.

Maaaring ilan ito sa mga dahilan kaya lumalaking bibong-bibo at matalino ang panganay nila ni Maia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking bagay ring tinutukan ni Jhong ang paglaki ni Sarina.

Nangyari ito nang iwanan niya ang Your Face Sounds Familiar at It’s Showtime noong April 2021 bilang proteksiyon sa kanyang pamilya noong kasagsagan ng COVID-19.

Matatandaang isinakripisyo ni Jhong ang showbiz career niya para sa kaligtasan at kalusugan ni Sarina.

Read: Jhong Hilario withdraws from Your Face Sounds Familiar: "Inisip ko talaga yung anak ko."

Paliwanag noon ni Jhong, “Meron kasing bata na alam mo, kapag may naramdaman ang bata, hindi siya nakakapagsalita.

"Pinag-isipan ko ito, hindi ako nakatulog. Pero itong desisyon po na ito, talagang inisip ko talaga yung anak ko.

“Gusto kong malaman niya paglaki niya, kaya ko ginawa yun dahil mahal ko siya.”

JHONG'S BIRTHDAY WISH

Para sa kanyang 47th birthday sa August 11, isa lamang ang hiling ni Jhong.

“Wish ko sana maging maganda yung bonding ng family namin hanggang sa tumanda yung anak ko," sabi ni Jhong sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Totoo po na kapag meron kang anak at talagang nag-e-enjoy ka, nawawala yung pagod mo.”

Sa tanong kung alin sa kanyang career sa public service o showbiz ang sa tingin niya ang mas magtatagal,ang showbiz career ang sagot ni Jhong.

Hindi raw niya nalilimutan ang payo sa kanyang ng yumaong aktor na si Johnny Delgado.

"Alam kong mas mahaba ang career ko sa showbiz kasi hindi ko makakalimutan yung sinabi sa akin ng the late Johnny Delgado, ‘Mahalin mo itong career mo dahil hanggang sa pagtanda, hindi mawawala sa yo.’”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Jhong Hilario na mas pinapansin ng mga tao ang anak niyang si Sarina kapag nagpupunta sila sa mall dahil sa mga video nilang mag-ama sa YouTube.
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results