Humihingi ng tulong si Mark Bautista sa mga kakilala nito para mabawi ang kanyang Instagram account na biktima ng hacking, tatlong araw bago ang 40th birthday niya sa August 10, 2023.
“My Instagram account has been hacked. Guys, I’ll try to retrieve it. But now pls. help me report it. Salamat sa lahat ng nag-message sa akin,” mensahe ni Mark para sa kanyang Facebook at Twitter followers ngayong Lunes ng umaga, August 7, 2023.
May katuwirang malungot at madismaya si Mark dahil mahigit sa kalahating milyon (570,000) ang followers niya sa Instagram bago ito sinakop ng Instagram user na may back-up account handle na @teasingtammy1.
Burado ang lahat ng Instagram entries ni Mark at napalitan ito ng mga maseselang larawan ni @teasingtammy1 na nagmamay-ari ng Onlyfans account na naglalaman ng sensitive contents.
Base sa lengguwahe na ginamit ng hacker, mula siya sa bansag nasasakupan ng Western Asia at Southeast Europe.

Ang Instagram followers ni Mark ang unang nakapansin sa malaking pagbabago sa kanyang account at sila ang nagparating sa singer-actor na posibleng biktima ito ng hacking. Nangako ang mga taga-suporta at social media followers ni Mark na tutulong sila na mabawi ang “ninakaw” na Instagram account niya.