PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Ballesteros' Barbie doll transformation sa E.A.T.

Trivia: Sino ang nagmamay-ari ng pinakamadaming Barbie collection?
by Jojo Gabinete
Published Aug 5, 2023
Paolo Ballesteros Barbie transformation
Paolo Ballesteros, sinorpresa ang "E.A.T." viewers nang sumama siya sa "Barbie Girl" production number kasama ang grand finalists ng "Vortas 5."
PHOTO/S: TVJ Facebook / Web

Muling pinahanga ni Paolo Ballesteros ang publiko dahil sa kanyang Barbie doll transformation na napanood ngayong Sabado, August 5, 2023, sa grand finals ng "Vortas V," isa sa mga segment ng E.A.T., ang noontime variety show ng TV5.

Kasama ni Paolo ang mga grand finalist ng "Vortas 5" sa pagsayaw ng "Barbie Girl," ang hit song noong 1997 ng Danish dance-pop group Aqua.

Pinili ni Paolo na kopyahin para sa kanyang Barbie doll transformation at production number ang itsura ng kauna-unahang Barbie doll na nilikha at inilabas ni Ruth Handler noong March 9, 1959. Si Handler ang inventor ng Barbie at co-founder ng toy manufacturer na Mattel.

Ginaya ni Paolo ang black-and-white striped bathing suit ng 11-inch plastic figure na pinangalanan ni Ruth na Barbara Millicent Roberts at may palayaw na Barbie mula sa pangalan ng kanyang anak na si Barbara.

US$3 dollars ang halaga ng Barbie dolls noong 1959 pero $27,450 na ang resale value ng original Barbie doll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LARGEST BARBIE COLLECTION

Ang 62-year-old German writer na si Bettina Dorfmann ang isa sa mga nagmamay-ari ng 1959 Barbie doll; at noong 2005, hinirang siya na Guinness World Record for biggest Barbie collection.

Bettina Dorfmann with original Barbie doll

Mula sa 2,500 noong 2005, tinataya na 18,500 na ang bilang ng Barbie dolls collection ni Dorfmann sa kasalukuyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-umpisa si Dorfmann na mangolekta ng Barbie dolls noong 1993 pero 1966 nang matanggap niya ang kanyang unang manika, si Midge, ang bestfriend ni Barbie at isa sa mga karakter na mapapanood sa blockbuster movie na Barbie na malapit nang lumampas sa US$ 1 billion mark ang box-office gross.

Pinipilahan sa takilya ang pinag-uusapan sa buong mundo na pelikula na pinagbibidahan nina Margor Robbie at Ryan Goslin kaya napapanahon ang Barbie transformation ni Paolo na napanood ngayong tanghali sa E.A.T.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Ballesteros, sinorpresa ang "E.A.T." viewers nang sumama siya sa "Barbie Girl" production number kasama ang grand finalists ng "Vortas 5."
PHOTO/S: TVJ Facebook / Web
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results