Importante sa kuwento ng Kung Hindi Lang Tayo Sumuko ang intimate scenes nina Coleen Garcia at Carlo Aquino.
Pero natawa ang entertainment press sa walang malisyang pahayag ng aktres na "pang-Viva One" ang mga eksenang ginawa nila ng kanyang kapareha sa six-part original series na mapapanood sa Viva One streaming site simula sa August 21, 2023.
Parang ikinumpara kasi ni Coleen ang intimate scenes nila ni Carlo sa mga mapupusok na eksena ng mga mapapangahas na pelikulang ipinalalabas sa Vivamax.
Read: Coleen Garcia opens up about feeling "left behind" while on showbiz break
“Para sa akin, maayos naman po siyempre na-experience ko na rin siya in the past. Mas grabe naman yung mga nagawa ko in the past compared to that.
"It’s a lot easier, mas comfortable, saka yung blocking ni Direk [Carlo Catu], nakatulong,” paliwanag ni Coleen.
Dagdag niyang kuwento, “We went in there na talagang ‘Okay, Direk, ano yung gagawin namin? Anong eksaktong… where do you want umpisahan?’
“Parang naging more technical siya. Ita-try mo na lang na maging natural kapag nandiyan na, pero may boundaries.
“He set the boundaries para nobody feels uncomfortable like hanggang dito lang and everything.
“Saka, si Carlo, na-appreciate ko sa kanya yung parang bawat kilos niya, ‘Okay lang? Okay lang, Coleen?’"
Ipinagpapasalamat ni Coleen ang pagkakaroon ng asawang kagaya ni Billy Crawford na may malawak na pag-iisip at pang-unawa.
Saad niya, “Ako naman, siyempre, may asawa na ako. I’ve talked to Billy about sa mga scene na ganyan.
“Sabi niya, 'You know what, kapag sa mga ganoon, okay lang. Kalimutan mo na ako. I-block mo na. It’s okay kasi I understand.'
“He knows how I feel about doing those scenes. Hindi ko siya ini-enjoy.
"Parang it’s not something I really look forward to and it's something na I really have to work to get myself comfortable doing kasi hindi naman siya talaga something I’m comfortable doing.
"But it’s necessary for the story kasi kung wala siya, hindi buo yung story. Ang feeling ko, yung ginawa namin, pasok naman talaga sa story.
"And I am a person na I try na pagpasok sa scene, tinatatanggal ko na yung lahat ng emotions, yung mga ilang, para yung partner ko, hindi mailing.”
Ipinagpapasalamat din ni Coleen ang pagiging maginoo ni Carlo, na propesyonal at magaan katrabaho.
Read: Relasyon ni Carlo Aquino kay Charlie Dizon, may kakaibang epekto sa aktor
“Sobrang napaka-gentleman, sobrang napaka-professional. Very accommodating, talagang a really, really great partner.
“The whole time I was so comfortable working with him. Walang ilang. Napakagaan po niyang katrabaho and very reliable also as an actor.
“Alam mong ibibigay niya talaga. Makikita naman, lumalabas din, and I really learned a lot also from working with him,” pahayag ni Coleen tungkol kay Carlo.