Muling nasilayan ng publiko si former TAPE Inc. President at CEO Tony Tuviera sa kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa Baguio City noong Biyernes, July 28, 2023.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are now married
Ito ang unang pagkakataong nasilayan ng publiko si Tuviera mula nang pumutok ang kontrobersiya sa pagitan ng mga dating Eat Bulaga! host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon at ng mga bagong namumuno sa nasabing kompanya, ang current president na si Romeo Jalosjos, Jr., Chief Finance Officer Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos at Creative Head Soraya Jalosjos.
Related Stories:
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
Hindi kaagad namukhaan ng publiko si Tuviera nang lumabas sa social media ang larawan nila ni Joey na kuha sa araw ng kasal nina Arjo at Maine.
Si Tuviera at ang mga host ng bagong noontime show na E.A.T. ang ilan sa mga tumayo bilang principal sponsors sa naganap na pag-iisang dibdib nina Arjo at Maine.
Si Maine ay produkto ng Eat Bulaga! at isa sa mga contract star ng Triple A, ang talent arm ng APT Entertainment Inc. na pag-aari ni Tuviera kaya importanteng dumalo siya sa nasabing pagtitipon.
Si Tuviera ang susi dahil isa siya sa mga nakakaalam sa mga tunay na isyu at puwedeng sumagot tungkol sa hidwaan sa pagitan ng TVJ at ng mga bagong namamahala sa TAPE Inc., pero pinili niyang manahimik.
Read: Tony Tuviera, tikom pa rin ang bibig sa TVJ-TAPE Inc. issues
Ayon sa mga nakakaalam sa tunay na kuwento, dinamdam nang husto ni Tuviera ang pagpapaalam ng TVJ sa TAPE noong May 31, 2023 at ang mga sumunod na kontrobersiyal na pangyayari na humantong sa korte na posibleng nakaapekto sa kanya.
Naiipit si Tuviera sa pagitan ng mga nag-uumpugang bato pero nananatili siyang kaibigan nina Tito, Vic, at Joey at co-owner ng TAPE.
Sa isang panayam, sinabi ni Bullet Jalosjos na consultant pa rin ng TAPE si Tuviera sa kabila ng pagreretiro nito bilang presidente at CEO.