PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Gumabao, hinulaan noong mai-in love sa babaeng may anak

Hula kay Marco Gumabao, nagkatotoo!
by Jojo Gabinete
Published Jul 25, 2023
cristine reyes and marco gumabao
Marco Gumabao said this in an interview in 2021: “Natawa ako kasi nung nagpahula ako, nagpahula ako once or twice pa lang sa buhay ko. Pero yung inihula sa akin, tawang-tawa ako, kasi sa love life, mai-in love daw ako sa taong may anak. Dun ako, 'Ah, talaga?'" Two years later, the prediction came true as he is now in a relationship with actress Cristine Reyes, who has a daughter from a previous relationship.
PHOTO/S: Viva Television

Sa dalawang magkahiwalay na panahon, sinubukan ng tadhana sina Marco Gumabao at Cristine Reyes dahil sa kanilang mga pahayag na dokumentado kaya mahirap itanggi.

Sa guesting ni Cristine sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN noong 2019, “totropahin” ang sagot niya kay Boy sa "Jowa o Tropa" segment ng programa.

“Si Marco, we’re friends, ang bata pa ni Marco. Ano ako, cougar?” natatawang sabi at katwiran ni Cristine.

Read: Cristine Reyes's 2019 interview resurfaces after relationship reveal with Marco Gumabao

Pero makalipas ang tatlong taon, kinumpirma ni Marco sa pamamagitan ng isang Instagram post noong April 2023 na opisyal na ang relasyon nila.

Read: Instagram official: Marco Gumabao calls rumored girlfriend Cristine Reyes “my home”

Gaya ng makasaysayang panayam kay Cristine sa Tonight with Boy Abunda, may sariling karanasan si Marco sa interbyu sa kanya ni MJ Marfori nang mag-promote siya ng Di Na Muli, ang drama series ng TV5 at Viva Television na pinagbidahan nila ni Julia Barretto, noong September 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento ni Marco na natawa siya sa hulang hindi niya masyadong sineryoso . Pero lingid sa kanyang kaalaman, magkakatotoo makalipas ang ilang buwan.

“Na-try ko na pong magpahula before pero parang trip-trip lang.

"Ako naman, yung panghuhula, it’s not something that you have to take seriously as in kailangan mo siyang sundin or kung ano yung hula sa yo, you expect it to happen right away or yun talaga ang mangyayari.

“Kumbaga, sometimes you can use it as a guide na parang kapag may nangyari sa buhay mo, tapos nangyari sa hula, 'Uy, tumama!'

"Pero for me, huwag mo siyang gagawin na manual book ng buhay mo,” pasakalye ni Marco bago nito inilahad ang hula sa kanya.

“Natawa ako kasi nung nagpahula ako, nagpahula ako once or twice pa lang sa buhay ko.

"Pero yung inihula sa akin, tawang-tawa ako, kasi sa love life, mai-in love daw ako sa taong may anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dun ako, 'Ah, talaga?' Pero so far, wala pa naman, so dun ako natawa,” sabi ni Marco.

Maaaring naniniwala na ngayon si Marco sa hula dahil nangyari ang hula sa kanya— may isang anak ang babaeng pinakamamahal niya sa kasalukuyan.

Read: Marco Gumabao admits saying "I love you" first to girlfriend Cristine Reyes

Muling napag-uusapan ang mga nakaraan nina Cristine at Marco bago sila nagkaroon ng relasyon dahil ang dalawa ang mga bida sa Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan, ang TV adaptation ng 1983 movie nina Vilma Santos, Christopher de Leon, at Eddie Garcia.

Mapapanood ang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan sa TV5 simula ngayong July 25.

Sa bihirang pagkakataon, araw ng Martes at hindi Lunes ang premiere telecast ng drama series nina Marco at Cristine dahil naapektuhan ang timeslot nito ng State of the Nation Address ni President Ferdinand Marcos Jr. kahapon, July 24.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao said this in an interview in 2021: “Natawa ako kasi nung nagpahula ako, nagpahula ako once or twice pa lang sa buhay ko. Pero yung inihula sa akin, tawang-tawa ako, kasi sa love life, mai-in love daw ako sa taong may anak. Dun ako, 'Ah, talaga?'" Two years later, the prediction came true as he is now in a relationship with actress Cristine Reyes, who has a daughter from a previous relationship.
PHOTO/S: Viva Television
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results