Dumating sa Pilipinas si Ai-Ai delas Alas mula sa Amerika nitong Sabado ng madaling-araw, July 22, 2023.
Hindi niya itinangging sumusumpong na ang kanyang jet lag nang dumalo siya sa GMA Gala 2023 ngayong gabi.
Read: Beauty and fashion standouts at GMA Gala 2023

Nang tanungin si Ai-Ai tungkol sa pakiramdam nito sa unang pagkakataong pagdalo niya sa GMA Gala, “Masaya. This is my first time na um-attend ng MET Gala,” ang kanyang sagot.
Tapos na ang interbyu nang mapagtanto ni Ai-Ai na mali ang kanyang sinabi kaya biro niya, “Hayaan na. Feeling Hollywood naman ako. May jet lag kasi.”
Ang nas aisip ni Ai-Ai ay ang MET Gala, ang annual fundraising event sa New York City na dinadaluhan ng mga sikat na personalidad. Beneficiary nito ang Costume Institute ng Metropolitan Museum of Art.
A NEW WORLD FOR JESSICA SOHO
Hindi naman makapaniwala ang award-winning at seasoned broadcast journalist na si Jessica Soho na darating ang panahong magsasalita siya tungkol sa kanyang kasuotan.

“I am wearing Jot Losa, hair and makeup by Yari or Ricky Balaguer, styled by AJ Alberto… I can’t believe I am saying these. This is the first time na ginagawa ko ito,” natatawa at hindi makapaniwalang sabi ni Jessica.
Manolo Blahnik ang suot na sapatos ni Jessica, at Chanel clutch bag naman ang dala niya.
Tulad ng sinabi ni Alden, “Minsan lang naman” ang reaksiyon ni Jessica nang purihin ng mga red-carpet host ang kanyang elegant outfit.
WHO WORE IT BETTER?
Magkaiba pero magkahawig kaya pasok sa "Who wore it better?" ang mga gown na ginamit sa GMA Gala ng mga beauty queen na sina Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi at Miss Philippines Tourism 2023 Herlene Budol.

Herlene Budol
Kung ikukumpara sa kasuotan ni Herlene, mas mapangahas ang damit ni Celeste na dumalo bilang bagong contract star ng Sparkle GMA Artist Center.

Celeste Cortesi
Nangako si Celeste na pagsisikapan niyang matutong maging matatas sa pagsasalita ng Tagalog para hindi malimitahan ang kanyang mga proyekto bilang aktres.