PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lawyer says Sabrina M "will not issue a public apology"

Ngayon ang deadline na ibinigay ng kampo ni Claudine Barretto.
by Jojo Gabinete
Published Jul 16, 2023
Sabrina M with her lawyers from Knowledge Advocate of Volunteer Lawyers for Free Legal Assistance. (L-R) Atty. Ananias Birad Jr., Atty. Juman B. Paa, and Atty. Patrio J. Seneres Jr.
Sabrina M with her lawyers from Knowledge Advocate of Volunteer Lawyers for Free Legal Assistance. (L-R) Atty. Ananias Birad Jr., Atty. Juman B. Paa, and Atty. Patrio J. Seneres Jr.
PHOTO/S: courtesy of Sabrina M

Ngayong Linggo, July 16, 2023, ang huling araw ng taning na ibinigay ni Atty. Ferdinand Topacio kay Sabrina M. para humingi ito ng public apology kay Claudine Barretto at sa pamilya ni Rico Yan.

Ito ay bunsod ng rebelasyon ni Sabrina tungkol sa naging relasyon diumano nila ni Rico na "umabot din ng taon" noong early 2000s.

Nangyari ang rebelasyon sa pocket presscon ni Sabrina para sa pelikulang Manang, sa Pandan Asean Cafe sa Quezon City, noong July 6, 2023.

Read: Sabrina M. reveals secret relationship with Rico Yan: "After Claudine, naging kami, umabot din ng taon."

Ngayong umaga, July 16, naglabas ng opisyal na pahayag si Atty. Juman Paa, ang lawyer ni Sabrina, na founder din ng Knowledge Advocate of Volunteer Lawyers for Free Legal Assistance.

Anang pahayag: "Our client, Sabrina M, will not issue a public apology. The purported offended parties may file a case to assert their rights allegedly violated by Sabrina, in the same vein that cases are now being prepared against certain individuals who, in their attempt to silence Sabrina, intentionally committed criminal acts against her.”

Mukhang pahiwatig ito nina Atty. Paa na handa sila sa anumang reklamong isasampa ni Topacio at ng kanyang kaibigan at kliyenteng si Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TOPACIO'S CALL FOR PUBLIC APOLOGY

Noong July 13, maanghang ang mga binitawang salita ni Topacio sa panayam niya sa radio program ni Cristy Fermin.

Aniya: “Para gamitin mo yung pangalan, lalo na yung alaala ng isang pumanaw para magkaroon ng noise para sa iyong movie, e, nakakarimarim po yun. Karumal-dumal na gawain yun.

“Libelous yun kasi parang pinalalabas niya na si Rico Yan ay two-timer, at si Claudine naman, kung alam daw ni Claudine yun, parang napakababa naman ng moralidad ni Claudine na pumapayag siya na dalawa sila sa buhay ni Rico Yan.

“Please, mag-sorry ka na kay Claudine, mag-sorry ka sa pamilya ni Rico Yan, mag-sorry ka sa alaala ni Rico Yan, at tapusin na natin ito.

"Otherwise, much to our regret, ay kailangan po kaming kumilos sa paraang legal,” bahagi ng mensahe ni Topacio kay Sabrina.

SABRINA M STANDS BY STORY

Ganunpaman, nanindigan si Sabrina na wala siyang balak ibigay ang hinihingi nina Topacio at Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa advice ng kanyang mga abugado, maikling statement ang ipinadala ni Sabrina sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, July 15.

Ayun dito: “Wala pong public apology na magaganap.

"Kung anuman ang panakot na ikakaso nila, karapatan nila iyon at haharapin na lang namin ng mga abogado ko ang isasampa nila.

“Sinabihan na rin po ako ng abogado ko na huwag nang mag-comment pa.

"Nag-review na rin kami ng videos sa YouTube para alamin din [kung] sino ang puwede naming kasuhan."

Read: Sabrina M. sticks to claim about relationship with Rico Yan: "Wala pong apology na magaganap."

Nang biglaan siyang umamin tungkol sa "sobrang discreet" na relationship nila ng yumaong matinee idol na si Rico Yan, nakatanggap agad si Sabrina ng bashing, lalo pa't pinabulaanan ng kaibigan niyang si Katrina Paula ang kanyang claim.

Sa exclusive na follow-up interview ni Sabrina sa PEP.ph noong July 7, o sumunod na araw ng pocket presscon, aniya: "...dedma na lang talaga ako. What's important is alam at hawak ko ang katotohanan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang panahon ring ito, lumabas na ang balitang may plano si Claudine na mag-file ng reklamo laban kay Sabrina.

Sa parehong panayam naman, sinabi ni Sabrina: “Hindi naman ako sinungaling na tao para gumawa ng story."

Read:

BACKTRACK

Early '90s nang pasukin ni Sabrina ang showbiz gamit ang pangalang Karen Salas.

Noong 1995, ang taong nagbida siya sa pelikulang Karanasan: The Claudia Zobel Story, sinimulan niyang gamitin ang screen name na Sabrina M.

Nang taong ding yun pumasok si Rico sa showbiz, na noon ay senior student sa De La Salle University.

Sumunod na taon, naging isa sa pinaka-visible stars ng ABS-CBN si Rico, at naitambal pa sa young superstar na si Judy Ann Santos.

Taong 1997 niya naging ka-love team si Claudine sa series na Mula Sa Puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kuwento sa PEP.ph ni Sabrina—Karen Pallasigue sa tunay na buhay—nakilala niya si Rico nang mag-guest si Sabrina sa Magandang Tanghali Bayan (MTB), ang defunct noontime variety show ng ABS-CBN kung saan isa sa co-hosts si Rico. Umere ito mula 1998 hanggang 2005.

Nung mga panahong iyon, bising-busy si Sabrina M sa paggawa ng pelikula.

Mula 1995 hanggang 2001, gumawa ito ng 32 movies, na ibig sabihin ay may average siyang five movies kada taon.

Ayon sa filmography ni Sabrina sa online database na IMDb, tumigil siya sa paggawa ng pelikula noong 2002 at nag-resume noong 2003 hanggang tumigil uli.

Sinabi naman direkta ni Sabrina kay Jojo Gabinete ng PEP.ph: "Nagbuntis ako ng 2002 at 2003 nang manganak ako sa panganay ko."

Samantala, naging high profile ang relationship nina Rico at Claudine. February 27, 2002 noong ipinalabas sa mga sinehan ang blockbuster na pelikula nilang Got2Believe.

Ngunit matapos ng dalawang linggo, lumabas ang balitang break na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa artikulong "Why Claudine and Rico broke up," na inilabas ng kolumnistang si Ricky Lo+ sa The Philippine Star noong March 23, 2002, nagkaroon ng "very serious fight" ang dalawa sa lobby mismo ng condo ni Claudine sa Greenhills.

Ito raw ay dahil may suspetsa si Claudine na may ka-"affair" si Rico.

Sa buwan ding iyon, na-link naman si Claudine kay Raymart Santiago, na usap-usapang kasa-kasama ng dalaga sa Subic noong March 29, ang araw na binawian ng buhay si Rico dahil sa bangungot.

May comprehensive report ang YES! magazine tungkol sa masalimuot na isyu nina Claudine-Rico-Raymart at ang mga pangyayari bago at matapos mamatay ni Rico habang nagbabakasyon sa isang island resort.

May exclusive interview din ang YES! kay Mrs. Teresita Yan, ang ina ni Rico, na umaming masama ang loob kay Claudine dahil sa mga nangyari sa kanyang anak. Bago mamatay si Rico, agresibo ang anti-Rico stories sa media at ang nice boy image nito ay sinira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkatuluyan din sina Claudine at Raymart, na nagpakasal noong 2006 at naghiwalay noong 2011.

Sa mga taong dumaan, patuloy si Claudine sa pagbisita sa libingan ni Rico sa Manila Memorial Park.

Si Sabrina naman ay nagsimulang mag-lie low sa showbiz noong 2003 at nitong 2023 ay nagpakitang muli.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabrina M with her lawyers from Knowledge Advocate of Volunteer Lawyers for Free Legal Assistance. (L-R) Atty. Ananias Birad Jr., Atty. Juman B. Paa, and Atty. Patrio J. Seneres Jr.
PHOTO/S: courtesy of Sabrina M
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results