Sampung taon o isang dekada na ang nakalilipas buhat nang manalo si Mutya Datul sa 5th Miss Supranational na idinaos noong September 6, 2013, sa Minsk, Belarus.
Gumawa siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipina at Asian na nanalo sa naturang pageant.
Read: Miss Supranational 2013 Mutya Datul, nagtatrabaho pa ring checker sa hardware store
Hindi pa napapantayan ng mga sumunod na kinatawan ng Pilipinas sa Miss Supranational ang tagumpay ni Mutya, at si Pauline Amelinckx ang katangi-tanging Pinay candidate na umabot sa Top 5 at nanalo bilang first runner-up sa 14th Miss Supranational na ginanap nitong Biyernes, July 14,2023 sa Malopolska, Poland.
Read: Pauline Amelinckx bags first runner-up in Miss Supranational 2023; Ecuador wins
Bago manalo si Mutya, isang Pinay candidate naman ang 3rd runner-up sa Miss Supranational 2012. Siya ay si Elaine Kay Moll.
ANOTHER PINAY IN MISS SUPRANATIONAL 2023
Incidentally, hindi lamang si Pauline ang may dugong Pilipino na lumahok sa 14th Miss Supranational.
Ang official candidate ng Japan na si Mayuko Hanawa ay isang half-Filipina.
Ang kanyang ina ay Pinay, at mga Pilipino—sina Ken Batino for styling, Jhomz Buenaobra for make-up, and Fhedz Cordero for hair—ang miyembro ng kanyang glam team, base sa mga Instagram posts niya for 14th Miss Supranational.
Si Mayuko ay isang kindergarten teacher, at beterana rin sa pageants,
Pasok siya sa Top 5 noong sumali sa Miss Supranational Japan 2019. Kinoronahan siyang Miss Eco Japan 2020, and kabilang sa Top 20 ng Miss Eco International 2021, kung saan first runner-up naman ang pambato ng Pilipinas na si Kelley Day.
THE MISS SUPRANATIONAL 2023 WINNER
Si Andrea Aguilera ng Ecuador ang kinoronahan sa 14th Miss Supranational, at naging mahigpit na kalaban ni Pauline.
Parehong beterana ang dalawa sa pagsali sa mga beauty pageants.
Si Andrea ay third runner-up sa Miss Earth Ecuador 2019 at winner sa Miss Grand Ecuador noong 2021.
Siya ang isa sa mga nakalaban ni Philippine representative Samantha Panlilio sa 9th Miss Grand International na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong December 4, 2021.
Si Tien Thuc Thuy Nguyen ng Vietnam ang tinanghal na 9th Miss Grand International, at 1st runner-up niya si Andrea.
Si Pauline naman ay sumali sa Miss Universe Philippines noong 2020, 2022, at 2023, at sa 50th Mutya ng Pilipinas noong September 2018.