PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto thanks Katrina Paula for telling the truth

Claudine: "I’m happy that this is a start of a new friendship & sisterhood."
by Jojo Gabinete
Published Jul 12, 2023
claudine barretto katrina paula
Claudine Barretto (kaliwa) idinaan sa Instagram ang pasasalamat kay Katrina Paula (kanan) dahil sa pagsasabi umano nito ng katotohanan kaugnay sa pahayag ni Sabrina M. (wala sa larawan) na nakarelasyon nito ang yumaong ex-boyfriend ni Claudine na si Rico Yan.
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram

Mabilis na nagpasalamat si Claudine Barretto kay Katrina Paula pagkatapos ng pagsasalita ng huli sa One PH program ni Cristy Fermin ngayong Miyerkules ng hapon, July 12, 2023.

Pinabulaanan ni Katrina ang rebelasyon ng kanyang kaibigang si Sabrina M. na nagkaroon ito noon ng relasyon kay Rico Yan.

Read: Sabrina M. reveals secret relationship with Rico Yan: "After Claudine, naging kami, umabot din ng taon."

Pinabulaanan ni Katrina ang kuwento ni Sabrina dahil, diumano, saksi siya sa mga nangyari noon kaya isang appreciation post ang inilabas ni Claudine sa mga social media account nito.

Read: Katrina Paula dispels Sabrina M.'s claim about past relationship with Rico Yan

Mensahe ni Claudine sa kanyang Instagram post: “I want to thank @realkatrinapaula for telling the TRUTH! Divine intervention gina ni God at Rico. I really found a new friend/sister.

“Thank you so much in behalf ng #rycbforever. I’m happy that this is a start of a new friendship & sisterhood sobra sobrang SALAMAT! for clearing the names of both RICO. #RYCB & #claudiniansforever. #claudinian @realkatrinapaula

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"palanggas pls follow Katrina Paula sa IG @realkatrinapaula pasalamat tayo sa kay Katrina. pls thank her for standing up for Rico’s name pati ako. My Palanggas magpasalamat tayo."

Napabalitang may plano si Claudine na sampahan ng kaso si Sabrina dahil sa kuwentong naging boyfriend niya si Rico noong nabubuhay pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Claudine Barretto mulls filing complaint against Sabrina M.

Ipinagtapat ni Katrina sa interbyu sa kanya ni Cristy na fan siya ng love team noon nina Rico at Claudine kaya tuwang-tuwa siya sa kabutihang ipinakita sa kanya ng aktres nang magkita sila sa set ng pelikulang ginagawa nila, ang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.

"Kasi sobrang Claudinian at Rico… Para silang KathNiel dati. Ako yung fan," sabi niya.

Ibinahagi rin ni Katrina ang naging pag-uusap nila ni Claudine sa ginagawa nilang pelikula.

Kuwento niya, “Hindi ko ine-expect na si Claudine Barretto yung bida sa… ang tagal ko nang hindi gumagawa ng pelikula.

“Biglang nagpakilala ako sa kanya. Sabi ko, ‘Hi Claudine, ako si Katrina Paula.’

“Sabi niya, ‘I know you.’ Sobrang na-touch ako dahil kilala niya ako.

"Sino ba naman ako? Siya si Claudine Barretto, di ba?

“Sabi niya, ‘Di ba, friend mo si Sabrina?’

“Sabi ko, Oo.' Alam mo ‘yung confident akong sumagot na oo kaibigan ko si Sabrina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi niya, ‘Baka puwede akong makiusap. Sabihan mo naman yung friend mo.’

“Ganoon siya kalumanay. Gusto kong matunaw sa kinauupuan ko. Bakit ko pa sinabi na kaibigan ko si Sabrina?

“Sobrang bait ni Claudine. Sobrang bait niyang nakiusap sa akin na, 'Baka naman puwede mong sabihan yung kaibigan mo na huwag na niya akong idamay at saka baka naman, huwag na niyang gamitin si Rico kasi matagal na siyang namatay. Kawawa naman.’"

Naaawa rin daw si Katrina kay Rico dahil hindi na nito maipagtatanggol ang sarili.

Aniya, “Si Sabrina, matagal ko nang kaibigan, pero hindi ko alam kung bakit siya nagbukas ng… alam mo yon?

“Kawawa naman si Rico Yan, paano niya ipagtatanggol ang sarili niya, e, wala na siya.

Nang hingan ni Cristy si Katrina ng mensahe nito para kay Sabrina, nanindigan ang dating sexy star na pawang katotohanan lamang ang kanyang isiniwalat at maaaring kagustuhan na rin daw ni Rico na magsalita siya tungkol sa nalalaman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro ito yung time na FO [friendship over] na kami kasi nagsalita ako.

“Ako yung totoo lang naman ang akin. Yung totoo lang naman yung sa akin na sasabihin ko. Walang nag-utos. Walang nagsabi.

“Para sigurong sinabi sa akin ni Rico Yan na, ‘Katrina, baka naman puwede mo akong tulungan kasi kilala kita. Ikaw yung puwedeng magsalita at makapagpatunay.’

“Baka sinabi niya kasi ang tagal ko na pong hindi gumagawa ng pelikula, ipinakilala niya sa akin si Claudine Barretto na sobrang bait.

“Kinikilabutan ako. Nagsimba ako kagabi sa Baclaran. Ipinagtirik ko siya ng kandila.

"Sabi ko, ‘Kung ito ang way mo para manahimik ka na talaga,' sabi ko, 'gagawin ko ito, Rico Yan.'"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (kaliwa) idinaan sa Instagram ang pasasalamat kay Katrina Paula (kanan) dahil sa pagsasabi umano nito ng katotohanan kaugnay sa pahayag ni Sabrina M. (wala sa larawan) na nakarelasyon nito ang yumaong ex-boyfriend ni Claudine na si Rico Yan.
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results