Katuparan ng pangarap ni Julia Barretto ang makapareha si Aga Muhlach sa isang proyekto.
Sila ang mga bida sa Forgetting Canseco, ang pelikula ng Viva Films na mula sa panulat at direksiyon ni Denise O’Hara.
Sa naganap na story conference ng Forgetting Canseco noong Martes, July 4, 2023, ikinuwento ni Julia ang kanyang pakiramdam nang malaman niyang magsasama sila ni Aga sa pelikula.
Saad ng 26-year-old actress, “Totoo ba ito? I don’t know… is this real life?
"I am so deeply honored and really grateful to be a part of this.
“I meant it when I said I’m excited. I’m really very nervous.
“Obviously, the legend, the heartthrob… kidding aside, it’s the truth.
"Since before, kapag tinatanong ako kung sino talaga yung mga gusto kong makatrabaho, I would really always say Aga Muhlach.
“Nakakakaba talaga, especially doing this just makes it even more official, but this is always been a dream of mine.”
Ibinahagi rin ni Julia ang anekdotang nangyari sa look test nila ni Aga para sa Forgetting Canseco.
Kuwento niya, “Actually, nung look test, kinailangan ko pnag magpa-send ng photos from the look test dahil sinend ko yon agad kina Mommy [Marjorie Barretto].
"Alam niya na dream project ko ito so they’re really excited and they’re really happy that this is happening. I am really overwhelmed.
"I think I had a moment last night na parang there’s just so many emotions na dala-dala ko ngayon. Nangingibabaw yung gratitude ko lang.”

Julia Barretto and Aga Muhlach with director Denise O'Hara
BARRETTOS AND AGA
Si Julia ang pangatlo sa Barretto ladies na makakapareha ni Aga, 53, sa pelikula.
Nakatrabaho ni Aga ang tiyahin ni Julia na si Gretchen Barretto sa Miguelito, Batang Rebelde (1985) at Akin Ka... Magdusa Man Ako! (1991).
Ang kapatid ni Gretchen at tiyahin din ni Julia na si Claudine Barretto naman ang leading lady ni Aga sa blockbuster movie na Kailangan Kita (2002).
Read: Claudine Barretto, kumusta ang relasyon sa mga kapatid na Gretchen at Marjorie?
Sinabi ni Julia na napanood nito noon ang Kailangan Kita at fan siya ng pelikula ni Aga at ng kanyang tiyahing si Claudine.
“I love that film and I’m such a fan,” ani Julia.
Malaking karangalan daw para sa kanyang gagawa sila ng pelikula ni Aga.
“Again, I am so honored, but I am truly excited...
"I’m just so excited for how things are going to play out. Kung ano yung magiging kalalabasan ng pelikula. Kung ano yung lalabas po sa pagsasama namin sa pelikulang ito.
“Even when I’m reading the script every day, kahit umaga, gabi, buong araw, katabi ko na yung script ko. Parang, you still don’t know until you get there.
"I am really, really excited. I am eager to learn."
Nang tanungin tungkol sa payo na maibibigay niyang makatutulong sa pelikula nila ni Aga, natatawang sumagot si Julia.
Aniya, “Ang kapal naman ng mukha ko na mag-advice! Hindi ko kaya. Parang wala ako sa posisyon na magbigay ng advice.
“Promises na lang, I promise I won’t be a headache. We’ll just have fun.”