Isinantabi muna ng netizens ang eskandalo na kinasasangkutan ni Awra Briguela dahil tinutukan muna nila nitong Sabado ng tanghali, July 1, 2023, ang tatlong noontime shows sa Pilipinas.
Ngayong araw ang pagsisimula ng E.A.T., ang bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, at ng Dabarkads sa TV5.
Read: TVJ's new show on TV5 is called "EAT..."; TVJ yet to reclaim Eat Bulaga! name
Sinubaybayan din ng manonood ang unang araw sa GTV ng It’s Showtime, at ang mga nangyari sa Eat Bulaga!, ang dating noontime program nina Tito, Vic at Joey.
Read: Vice Ganda: “Pinakamatinding plot twist ng taon.”
Read: Eat Bulaga! congratulates TVJ on its new noontime show, welcomes It's Showtime to its new home
Kapansin-pansin ang maluwag na sitwasyon ng trapiko sa EDSA ngayong Sabado ng tanghali kaya nagkaroon ng mga haka-hakang hindi lumabas ng bahay ang karamihan ng mga tao para panoorin ang pagsasalpukan ng E.A.T., It’s Showtime, at Eat Bulaga!.
Read: Salpukan ng noontime shows sa Sabado, July 1, kaabang-abang
Makikita sa mga social media platform tulad ng Facebook at Twitter ang sari-saring opinyon ng mga tao tungkol mga noontime show na magkakasabay na napanood kaya walang dudang sinubaybayan nila ang mga kaganapan sa telebisyon.
Sa Lunes, July 3, pa lalabas ang ratings ng E.A.T., It’s Showtime, at Eat Bulaga! pero gumawa na ng sariling survey ang ilang mga kababayan natin.
Naniniwala silang nanguna ang noontime show ng TVJ, pumangalawa ang programa na sinusuportahan ng Madlang People, at pangatlo ang Eat Bulaga!.
Hindi man masyadong lumikha ng ingay ang July 1 episode ng Eat Bulaga!, napansin naman ng mga manonood ang Louis Vuitton Camo Tracksuit Blouson na suot ng host na si Isko Moreno.

Sa pagsasaliksik ng Cabinet Files, napag-alaman naming nagkakahalaga ito ng US$2,519.00 o P139,235.21 sa Philippine currency, base sa exchange rate na P55.27.

Pinag-usapan din ang production number ni Vice Ganda sa Timog entrance ng GMA Network na pre-taped dahil kinunan iyon kahapon, June 30.
Hindi puwedeng live ang production number ni Vice dahil kulang ang oras kung aktuwal na ipakikita ang pagsakay niya sa helicopter na nagdala sa kanya sa GMA-7 mula sa ABS-CBN building.

Malaki ang posibilidad na imbitahan ang mga host ng It’s Showtime sa Gala Night ng GMA na idaraos sa Marriott Hotel sa July 22 dahil napapanood na ang programa nila sa GTV, ang wholly owned subsidiary ng GMA-7, kaya mga Kapuso na rin ang trato sa kanila.
Read: Kapuso stars appear on 'It’s Showtime': “Ang saya naman dito!”
Incidentally, pansamantala lamang ang pagbabalewala ng netizens sa ibinibintang na kaso ng pananakit at pang-aabuso ni Awra sa complainant na si Mark Christian Ravana dahil pagkatapos ng live telecast ng tatlong noontime shows, trending na uli sa social media ang pangalan ng 19-year-old gay comedian.
Biktima ngayon ng matitinding batikos si Awra mula nang mabaligtad ang sitwasyon— from hero to villain—matapos kumalat ang kopya ng CCTV na nagpapakita ng mga kaganapan sa bar sa Makati City na pinangyarihan noong June 29 ng eskandalong kanyang kinasasangkutan.
Read: Papuri kay Awra Briguela, napalitan ng batikos dahil sa CCTV footage