PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis Preps Eat Bulaga! Hosts

Ano kaya ang sagot nina Joey at Vic sa mensahe ni Paolo?
by Jojo Gabinete
Published Jun 25, 2023
paolo contis joey vic
Tumutugma ang mga ipinagtapat ni Paolo Contis (left) sa mga pahayag ni Joey de Leon na may nag-text sa kanyang bagong host ng Eat Bulaga!.
PHOTO/S: GMA / TV5

Makalipas ang isang buwang pagpapahinga dahil sa pagkakaroon niya ng mga silent seizure, muling mapapanood si Boobay bilang host ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo ng gabi, June 25, 2023.

Read: Boobay balik-taping na sa TBATS pagkatapos ng ilang linggong pahinga

Hindi lamang ang pagbabalik ni Boobay sa comedy talk show nila ni Tekla ang masisilayan ng televiewers dahil guest nila si Paolo Contis, na mas naging kontrobersiyal mula nang maging host ng Eat Bulaga!.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinagtapat ni Paolo sa panayam sa kanya nina Boobay at Tekla na nagpadala siya ng mensahe kina Joey de Leon at Vic Sotto—sa pamamagitan ng asawa nitong si Pauleen Luna—para magpasintabi dahil tinanggap niya ang alok na maging host ng Eat Bulaga! nang magpaalam mula sa TAPE Inc. ang mga original host ng longest-running noontime variety show ng bansa noong May 31, 2023.

Read: Paolo Contis on hard-hitting criticisms from bashers: "Alam ko naman ang mali ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga rebelasyon si Paolo tungkol sa naging resulta ng pagpapadala niya ng mga text message kina Joey at Vic na siguradong pagpipistahan ng mga sumusubaybay sa maintriga at kontrobersyal na isyu.

Tumutugma ang mga ipinagtapat ni Paolo sa The Boobay and Tekla Show sa mga pahayag ni Joey sa media day ng mga original host ng Eat Bulaga! at Dabarkads noong June 20, 2023.

Read: Vic Sotto at Joey de Leon, inaming sumilip sa revamped 'Eat Bulaga!'

“Actually, nag-text sa akin yung iba. 'Oo,' sabi ko, 'okay lang yan,'” kuwento ni Joey, na tumangging sabihin ang pangalan ng taong nagpadala sa kanya ng text message.

Idinaan na lamang niya sa biro ang sagot na “Hindi, yung iba. Kilala mo ba si iba? Ivan Mayrina…

“Hindi. Hindi. May nag-text pero hindi ko na sasabihin siyempre. Lalagyan niyo na naman ng ano…

"Tuwang-tuwa nga kayo nagkaroon kayo ng mga content, ah. Totoo yon. Lahat nabuhay. Kaya nga nabuhay!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi nga ng presidente namin [Manny V. Pangilinan ng TV5], ‘Nabuhay ang TV.’

“Pasalamat sila sa amin. Hindi…walang yabang talaga,” sabi ni Joey.

Binanggit ni Paolo sa guesting nito sa programa nina Boobay at Tekla na nagpasintabi siya kay Joey dahil bukod sa magkumpare sila, nirerespeto niya ang mga pioneer host ng Eat Bulaga!.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tumutugma ang mga ipinagtapat ni Paolo Contis (left) sa mga pahayag ni Joey de Leon na may nag-text sa kanyang bagong host ng Eat Bulaga!.
PHOTO/S: GMA / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results