PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joaquin Domagoso Receives Gawad Manileño Award

Joaquin Domagoso, ginawaran ng "Natatanging Manileño sa Larangan ng Pag-arte."
by Jojo Gabinete
Published Jun 24, 2023
joaquin domagoso gawad manileno
Pinarangalan si Joaquino Domagoso bilang "Natatanging Manileño sa Larangan ng Pag-arte" mula sa pamahalaan ng City of Manila sa pagdiriwang ng ika-452 na anibersaryo ng lungsod ngayong Sabado, June 24, 2023.

Si Joaquin Domagoso ang isa sa mga pinarangalan sa Gawad Manileño dahil sa mahalagang kontribusyon bilang aktor na ibinigay niya sa lungsod ng Maynila.

"Natatanging Manileño sa Larangan ng Pag-arte" ang parangal na tinanggap ni Joaquin mula sa pamahalaan ng City of Manila sa pagdiriwang ng ika-452 na anibersaryo ng lungsod ngayong Sabado, June 24, 2023.

Kinilala ng lungsod ang husay ni Joaquin sa pag-arte dahil sa mga best actor award na napanalunan niya noong nakaraang taon mula sa iba’t ibang mga international award-giving body para sa kanyang mahusay na pagganap sa That Boy in the Dark.

Read: Joaquin Domagoso, kinilala ng NCCA dahil sa kanyang international acting awards

Personal na tinanggap ni Joaquin ang Gawad Manileño mula kay Manila City Mayor Honey Lacuna sa araw ng parangal na idinaos sa Manila Metropolitan Theater noong June 22.

joaquin domagoso gawad manileno

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Wowie Roxas ang producer ng That Boy in the Dark at siya ang namamahala sa showbiz career ni Joaquin. Tuwang-tuwa siya sa pagkilalang ipinagkaloob ng lungsod ng Maynila sa 21-year-old actor.

Ipinagmamalaki rin ni Wowie na graduate na ng Hospitality and Tourism Management ang talent niyang si John Gabriel na nagtapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.

john gabriel graduation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginamit ni John Gabriel ang mga kinita nito mula sa mga pelikula at TV guesting para matulungan ang mga magulang niya sa pagpapaaral sa kanya. Ngayong nakatapos na siya ng pag-aaral, balak ni John na pagtuunan ng atensiyon ang kanyang showbiz career.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinarangalan si Joaquino Domagoso bilang "Natatanging Manileño sa Larangan ng Pag-arte" mula sa pamahalaan ng City of Manila sa pagdiriwang ng ika-452 na anibersaryo ng lungsod ngayong Sabado, June 24, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results