PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pambato ng Canada sa Miss International Queen 2023, Pinay rin

Filipino-Canadian na si Adrian Reyes, makakalaban ni Lars Pacheco ng Pilipinas.
by Jojo Gabinete
Published Jun 23, 2023
adrian reyes miss international queen 2023
Ang 28-year-old Filipino-Canadian na si Adrian Reyes ang ipinadala ng Canada sa 17th edition ng Miss International Queen.

Hindi lamang si Lars Pacheco ang Pinay na opisyal na kandidata sa Miss International Queen 2023 dahil Pinay rin ang kinatawan ng Canada sa patimpalak-kagandahan para sa transgender women.

Read: Lars Pacheco, pinupuri dahil sa kanyang interviews at sagot sa Q&A

Ang 28-year-old na si Adrian Reyes ang ipinadala ng Canada sa 17th edition ng Miss International Queen. Hindi maipagkakailang Pilipino siya dahil sa kanyang itsura at kayumangging kulay.

Teenager si Adrian nang mag-migrate sila ng kanyang pamilya mula sa Pilipinas papunta sa Winnipeg, Canada.

Nagustuhan ni Adrian ang paninirahan niya sa Canada dahil tinanggap dito ang kanyang transition o pagbabago bilang transgender woman.

Noong 16 years old si Adrian, nagpadala siya ng liham sa Winnipeg School Division dahil naging alalahanin sa kanya ang kawalan ng gender neutral washroom para sa mga estudyanteng miyembro ng LGBTQ community na hindi komportableng gumamit ng comfort room ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa eskuwelahang pinapasukan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang sumunod na taon, nagkaroon ng gender neutral washroom sa naturang paaralan, at ito ang resulta ng sulat na ipinadala ni Adrian sa school authorities ng Winnipeg.

"I want to spread awareness, I don't want people to feel that way anymore, and that's why I do these things, because it doesn't feel good not to be included. I know how it feels,” pahayag ni Adrian sa isang panayam tungkol sa kanyang ginawa para sa kapakanan ng mga kabataang miyembro ng LGBTQ community sa Winnipeg.

Ang pagsali ni Adrian sa 2013 edition ng Miss International Queen ang katuparan ng kanyang pangarap noong teenager pa siya—ang makalahok sa isang beauty pageant.

“With what’s happening in the world right now — the threats to the trans community and the drag community, which I’m also a part of — I think it’s really important to be visible,” sabi ni Adrian sa artikulo tungkol sa kanya na inilabas ng Winnipeg Free Press na sinusubaybayan ang Miss International Queen journey niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmamalaki ng ating mga kababayan ang partisipasyon nina Adrian, Lars, at reigning Miss International Queen Fuschia Anne Ravena dahil namamayagpag ang mga Pilipino sa pinakaprestihiyosong international beauty pageant para sa transgender women.

miss queen international 2022

Miss Canada Adrian Reyes (left) with Miss International Queen 2022 Fuschia Anne Ravena and Miss Philippines Lars Pacheco

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Idaraos ang koronasyon ng Miss International Queen 2023 sa Tiffany’s Show, Pattaya, Thailand, bukas, June 24, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang 28-year-old Filipino-Canadian na si Adrian Reyes ang ipinadala ng Canada sa 17th edition ng Miss International Queen.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results