Hindi sinabi ni Bela Padilla sa South Korean superstar na si Song Joong-ki na artista siya nang hindi sinasadyang magkita sila sa isang beach sa Cannes, France, noong May 22, 2023.
Kapwa dumalo ang dalawa sa 76th Cannes Film Festival.
Read: Netizens gush over Bela Padilla, Song Joong-ki’s selfie together
“I didn’t say na actress ako. Sabi ko filmmaker ako kasi naman yung hitsura ko, naka-swimsuit ako. Basa yung dress ako. [Baka sabihin niya], 'Sure ka bang actress ka?'
“I also didn’t want to take too much of his time kasi he looked like enjoying the sun," natatawang kuwento ni Bela nang makausap ito ng Cabinet Files nang ipakilala siya bilang celebrity ambassadress ng Dear Face nitong Miyerkules ng gabi, June 21.
Hindi inililihim ni Bela na tagahanga siya ni Song Joong-ki. Nagkaroon siya ng pagkakataong makapagpakuha ng litrato kasama ang sikat na Korean actor dahil sa direktor na si Adolf Alix Jr.
Lahad ng actress-director, “That was so random. He [Joong-ki] was literally just walking past us. Ang labo ng mata ko, wala akong salamin.
"Galing ako ng beach. As in yung picture ko, bagong ahon sa dagat, like nag-swimming ako, naka-swimsuit ako sa loob.
“And then Direk Adolf just pointed it out, ‘Di ba, fan ka ng Descendants of the Sun? Ayan si Song Joong-ki.’
“Pagtingin ko, nandoon na siya, naglalakad. He’s so chill, like, he didn’t have a whole team with him. He was really there as a filmmaker so I appreciate it.
“I approached lang. Sabi ko, ‘Hi, I’m also a filmmaker. Is it okay if I take a photo? I love you in Vincenzo…' Hahaha!
“Kasi yun ang last na napanood ko, and my boyfriend actually watched Vincenzo also kasi yung first scenes nasa Italy.
“Tapos, nakipagkuwentuhan siya. Mabait siyang kausap.”
"Lovely" ang pagsasalarawan ni Bela tungkol sa pagdalo niya sa 76th Cannes Film Festival dahil sa kanyang mga natutunan at mga karanasan.
Saad niya, “As a producer this time, I was there to learn as a filmmaker, because I feel like in that aspect, I’m still relatively new.
"My film company in UK co-produced my last movie, Libro, so I wanted to get better at it obviously.
“I feel like while you’re still young, why not you continuously educate yourself?”
Read: Bela Padilla reacts to Lorna Tolentino praising her directorial style
Nang itanong namin ang posibilidad na gumawa siya ng pelikula para sa Cannes Film Festival, napangiti si Bela.
Aniya, “My God, that would be the dream! I am collaborating right now with Direk Adolf.
“We’re developing a story right now but let’s see where it goes. Parang walang pressure na, 'This goes here and ito, pang-cinema. Ito pang-Netflix.'
"Walang ganoong conversation."