PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dating TNT contestant, pinabilib ang judges ng 'America's Got Talent'

Roland Abante, pasok sa next round ng 'America's Got Talent.'
by Jojo Gabinete
Published Jun 14, 2023
roland abante america's got talent
Pasok sa next round ng 'America's Got Talent' ang Pinoy aspiring singer na si Roland Abante, na naging daily winner ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime noong 2017.
PHOTO/S: America's Got Talent YouTube

Literal na malayo na ang narating ng mangingisda na si Roland Abante, aka Bunot.

Mula sa pagsali sa "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime noong February 2017, contestant na siya sa Season 18 ng America’s Got Talent.

Thirty-eight years old si Roland nang sumali ito bilang kinatawan ng Visaya at naging daily winner sa "Tawag ng Tanghalan," anim na taon na ang nakararaan.

Ang paglahok ni Roland sa singing competition ng It’s Showtime ang naging daan para makapagtrabaho siya sa isang entertainment complex sa Pasay City.

Mula noon, wala nang nabalitaan tungkol kay Roland, hanggang mapanood ng buong mundo ang audition niya sa America’s Got Talent noong Martes, June 13, 2023 (Miyerkules ng umaga, June 14, sa Pilipinas).

Mangingisda sa umaga at nagmamaneho ng motorsiklo sa hapon para maghatid ng mga produkto at pasahero ang pakilala ni Roland, sa wikang Bisaya, sa mga hurado ng America’s Got Talent na sina Simon Cowell, Sofia Vergara, Heidi Klum, at Howie Mandel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumamit si Roland ng interpreter para maunawaan ng manonood ang mga sagot niya sa katanungan ng mga hurado.

Napatalikod at napaluha si Roland nang magtanong si Heidi ng “So why America’s Got Talent?”

Nangingilid ang luhang tugon ng Filipino aspiring singer, “Every night I see in my cellphone only because this is my big dream, to get here. To be here.”

Tumanggap ng standing ovation mula sa audience at sa mga hurado si Roland dahil sa kanyang mahusay na pag-awit sa "When a Man Loves a Woman," na unang pinasikat ng American singer na si Percy Sledge (1940-2015) noong 1966 at ginawan ng cover nina Bette Midler at Michael Bolton noong 1979 at 1991, respectively.

Reaksiyon ni Heidi, "I don't think you could have done it better. Mic drop. You let it all on that stage, you were amazing. You should be very be proud of yourself."

Sabi naman ni Sofia, "I have a feeling you’re gonna have to stop fishing. This is where you needed to be."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ni Simon, "You were so nervous. I genuinely thought for one moment you weren’t gonna do this and then, that happened. And it actually made me love this audition even more and I really like you. It was a great audition."

Tumayo at niyakap pa ni Simon si Roland—na patakbong bumaba mula sa entablado—nang malaman ng British record producer na siya ang paboritong hurado ng Pinoy contender sa America’s Got Talent.

“You’re amazing. We love you. That was the best!” mensahe pa ni Simon kay Roland.

Maligayang-maligaya si Roland sa kanyang tagumpay na naging dahilan naman para balikan at muling panoorin sa Internet ng mga Pilipino ang video clips ng pagsali niya sa "Tawag ng Tanghalan" noong 2017.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasok sa next round ng 'America's Got Talent' ang Pinoy aspiring singer na si Roland Abante, na naging daily winner ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime noong 2017.
PHOTO/S: America's Got Talent YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results