Isa si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa mga natuwa nang aminin ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang pagiging bisexual nito.
Read: Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee: "I definitely identify myself as bisexual."
“I am happy for her," sambit niya.
"I am not actually surprised kasi, siyempre, nasa industry tayo ng people are kinda scared because of the judgment.
"Pero I know Michelle. She’s very tough.
"Siguro, she just looked for that perfect moment for her and it’s very inspiring, aside from Beatrice Luigi Gomez."
Si Beatrice ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2021.
Patuloy ni Rabiya, “Siya [Bea] kasi yung first na nag-out sa self niya sa bisexual representative for Miss Universe.
"Now we have Michelle Dee."
Naniniwala si Rabiya na malakas ang laban ni Michelle sa Miss Universe 2023, na idaraos sa El Salvador bago matapos ang taon.
“Inclusivity-wise, her back story... malakas ang laban ni Michelle, I’m telling you, guys.
“Kilala ko siya kung paano siya nag-sacrifice para sa competition na yon. I know, hindi niya lang ito palalampasin, this chance.”
Idinagdag ni Rabiya na malawak ang pag-iisip ng Miss Universe Organization (MUO) kaya tiyak na hindi magiging isyu ang sexual orientation ni Michelle.
Ang Thai transgender woman at billionaire na si Anna Jakrajutatip ang owner ngayob ng MUO.
Saad ng beauty queen-turned-actress/TV host, “They’re very inclusive at open-minded sila.
"Actually, marami pa nga ang mga Pilipino na nagugulat ako dahil 2023 na, marami pa rin ang mga judgmental na tao.
“I don’t think it’s gonna be an issue. I think it’s gonna be an advantage kasi she has a lot of stories to share.
“Ang advantage niya, true talaga siya sa kanyang advocacy. Kasi yung autism advocacy niya, ever since after Miss World, kahit hindi pa siya ulit sumali ng Miss Universe Philippines, she’s been doing it.
“Nakikita na lumalabas ang stories niya about her brothers.
"So, I think it’s her advantage. Kasi we need a transformational leader with a story that would influence people.
“Impact talaga ang kailangan natin and, I think, she’s got it,” dagdag ni Rabiya tungkol sa aktres na pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe.
RABIYA AS A BUSINESS PARTNER
Nakapanayam ng Cabinet Files si Rabiya sa pagbubukas ng ikawalong sangay ng LVNA by Drake Dustin sa 5th Level East Wing ng Shangri-La Mall Plaza nitong Huwebes, June 8, 2023.
Sina Rabiya, Kylie Verzosa, at Ivana Alawi ang mga celebrity ambassador ng LVNA by Drake Dustin na inimbitahan sa opisyal na pagbubukas ng Shangri-La Mall Plaza branch.
Hindi lamang basta celebrity ambassador si Rabiya. Investor din siya sa popular jewelry store na magbubukas ng branch sa New York City sa October 2023, ayon mismo Dane Ibay, ang presidente ng LVNA by Drake Dustin.

Rabiya Mateo (right) kasama si Dane Ibay, ang kapatid ng jeweler na si Drake Ibay, na siya namang owner ng LVNA By Drake Dustin na jewelry line.
Sabi ni Rabiya, “Ang LVNA, very generous to a lot of celebrities. Ganoon kabait si Drake.
"So, milyun-milyong piso ang halaga ng mga alahas na ipinapahiram niya sa amin for us to be confident, and to look really stunning sa special nights namin.”
Nasasabik si Rabiya sa posibilidad na lilipad siya sa New York para sa grand opening ng negosyong kasosyo siya.
“Sabi kasi ni Drake, around this July pupunta siya sa New York. Titingnan niya yung area to see if ano pa yung magagawa, mai-improve namin. So, within three months, siya lang muna ang bibiyahe.”
Ibinhagi ni Dane na pinili ni Drake na magbukas sila ng sangay ng LVNA sa New York dahil ito ang itinuturing na pangalawang tahanan ng kanyang kapatid.
“Second home ni Drake ang New York City. That’s actually where he started his career in photography. He studied photography there,” salaysay ni Dane.
Ikinagulat ito ni Rabiya dahil hindi nito alam na fashion photographer si Drake ng U.S. magazines at online sites bago naging matagumpay na jeweler.
“Ngayon ko lang nalaman na fashion photographer siya. But when I competed for the Miss Universe, he flew to Florida just to support me.
“Isa talaga si Drake sa nagpahiram sa akin ng milyun-milyong [halaga ng] alahas. Muntik ko pang maiwala!” natatawang sabi ni Rabiya.