Ang Miss Grand Philippines title ang nais na mapanalunan ni Herlene Budol at ng kanyang mga tagasuporta nang sumali siya sa Binibining Pilipinas noong 2022.
Hindi man niya nakuha ang titulong pinakamimithi, si Herlene ang kinoronahang 1st runner-up at humakot ng special awards sa beauty pageant na kanyang sinalihan.
Read: Herlene Budol vows Binibining Pilipinas 2022 to be her last
Muling nagkaroon ng pag-asa si Herlene na maging kinatawan ng Pilipinas sa 11th Miss Grand International na magaganap sa Vietnam sa October 2023 dahil noong November 2022, inanunsiyo ng pamunuan ng Binibining Pilipinas Charities Inc. na hindi na nito pipirma ng bagong kontrata para sa franchise ng Thailand-based international pageant.
Read: Binibining Pilipinas officially withdraws from Miss Grand International
Ang ALV Pageant Circle ni Arnold Vegafria ang nakakuha ng karapatan para magpadala ng kandidata ng ating bansa sa Miss Grand International.
Ngayong Biyernes ng umaga, June 2, 2023, ang huling araw ng pagtanggap nila ng mga aplikante para sa Miss Grand International 2023 sa Teatrino Greenhills, San Juan City.
Nakatakda naman sa July 2023 sa Mall of Asia Arena ang coronation night ng nasabing patimpalak.
Hindi sumusuko si Herlene sa pangarap niyang makuha ang korona ng Miss Grand Philippines 2023 dahil kabilang siya sa mga kandidatang namataang nagsumite ngayon ng aplikasyon.
Read: Herlene Budol, sigurado na ang pagsali sa Miss Grand Philippines 2023
Kinumpirma ni Herlene sa Instagram post nito kahapon, June 1, ang muling pagsabak sa beauty contest.
May kasama ring pasaring ang kanyang mensahe sa Miss Planet International, ang pageant na nilahukan niya noong November 2022 pero naghatid sa kanya ng matinding trauma dahil sa maraming problema kaya nakansela habang nasa Uganda na siya.
Read: Herlene Budol nag-back out na sa Miss Planet International 2022
“Ito po ang inyong nag-iisang Magandang Dilag, Herlene Hipon Budol
“Sasabak ulit tayo sa mas engGRANDeng laban. Mas-bonggang patimpalak ng kagandahan!
“Mula sa Kabisera ng Sining, Angono Rizal. My name is Herlene Nicole Budol, bente tres anyos na nagsasabing, Aanhin mo ang "PLANETA" kung hindi ka naman kaGrandahan!” pahayag ni Herlene.
Nagpasalamat si Herlene sa GMA-7 management dahil pinayagan siyang sumali sa Miss Grand Philippines , kahit magsisimula na sa June 26 ang telecast sa Kapuso Network ng Magandang Dilag, ang afternoon drama revenge series na pinagbibidahan niya.