PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Controversial actress, nabuntis ng controversial din niyang boyfriend

Mawawala muna sa sirkulasyon si controversial actress.
by Jojo Gabinete
Published May 22, 2023
controversial actress is pregnant
ILLUSTRATION: Igi Talao

Mawawala sa sirkulasyon sa mga susunod na araw ang Controversial Aktres o CA dahil sa maselan niyang kalagayan.

Buntis ang aktres.

Ang boy friend ni CA na Equally-controversial Actor o EA ang ama ng sanggol na kanyang dinadala.

Napagdesisyunan ni CA na ilihim muna sa publiko ang sitwasyon niya dahil posibleng nag-aalala siya na puro mga negatibong komento ang kanyang matatanggap.

Labing-apat na buwan na ang nakalilipas mula nang masangkot ang dalawa sa isang masalimuot na kaso na naging dahilan para magkahiwalay sila.

READ Dalawang celebrity moms, malakas ang kamandag sa fitness instructors

Pero makalipas lamang ang ilang buwan, nakipagbalikan si CA kay EA dahil nangibabaw sa kanya ang matinding pagmamahal, sa kabila ng pagtutol ng mga taong nagmamalasakit sa kanya.

At ngayon nga, nagbunga na ang kanilang relasyon, pero pinili ni CA na itago muna sa mga tao ang kanyang kalagayan.

READ Byuti Aktres, bratinella no more sa boyfriend niyang Guwapong Aktor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana nga, tama ang desisyon ni CA na sundin ang itinitibok ng kanyang puso dahil hindi lamang ang pagbubuntis ang hudyat ng pansamantalang pag-alis niya sa showbiz.

Mapipilitan ang aktres na magpaalam sa TV show na kinabibilangan nito sa kasalukuyan para harapin ang panibagong kabanata ng kanyang buhay.

READ Sexy singer-actress, super yaman at super happy sa family life!

Walang katiyakan kung mabibigyan siya ng pang-habampanahon na kaligayahan, maliban na lang kung tunay na magiging masaya at maayos ang pagsasama nila ni EA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results