PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matteo and Sarah G. to Unite on GMA-7?

Did you know na parehong nag-SOP sina Matteo at Sarah?
by Jojo Gabinete
Published May 11, 2023
matteo guidicelli sarah geronimo sop
Iilan na lamang ang nakakaalala na parehong naging bahagi Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng SOP, ang defunct Sunday noontime musical-variety show ng GMA-7. Naging special guest ng SOP si Sarah noong 2003, samantalang mainstay si Matteo ng SOP Fully Charged noong 2009.
PHOTO/S: @matteog on Instagram / GMA Network

“Next year! Next year!”

Ito ang natatawa at pabirong sagot ni Matteo Guidicelli nang tanungin tungkol sa taong gusto niyang iangkas sa kanyang motorsiklo papunta sa GMA-7.

Nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi ni Matteo dahil sa kanilang akala na ang misis niyang si Sarah Geronimo ang tinutukoy ng TV host-actor, na opisyal na ipinakilala bilang bagong Kapuso artist ngayong Huwebes ng hapon, May 11, 2023.

Pero bumawi si Matteo nang sabihin niyang “Mama ko! Mama ko!”

Read: Matteo Guidicelli, opisyal na ang pagiging Kapuso

Binanggit ni Matteo na abala sa kasalukuyan ang kanyang asawa sa paghahanda para sa 20th anniversary concert nito na magaganap sa Smart Araneta Coliseum bukas ng gabi, May 12.

Read: Tickets para sa 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo, halos kasing-presyo ng concert ni Harry Styles

Aniya, “Ngayon busy siya, busy siya sa concert niya bukas. Bukas yung 20th anniversary concert niya.

“And you know what? I actually taped Madam Jessica Soho [Kapuso Mo, Jessica Soho] yesterday and i-preempt ko talaga, because this weekend lalabas, a VTR of Sarah came out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She did an interview with Madam years back na talagang it’s so nice to see her as a child.

"Tapos she started, andito pala sa GMA, di ba? Nagsimula din, yung interviews niya dati.”

Iilan na lamang ang nakakaalala na parehong naging bahagi sina Sarah at Matteo ng SOP, ang defunct Sunday noontime musical-variety show ng GMA-7.

Naging special guest ng SOP si Sarah noong 2003, samantalang mainstay si Matteo ng nabanggit na programa, ang SOP Fully Charged, noong 2009.

“For a while, dito ako sa SOP, nag-SOP ako. But nevertheless, you don’t know in life... hindi mo alam kung saan ka pupunta, saan ka ba dadalhin ng buhay, kumbaga.

"So I always believe in nurturing relationships, keeping relationships, because that’s very, very important.

“And that’s what I really admire here in the family of GMA. Kumbaga, we kept our relationship since more than ten years ago, not knowing ten years after, we’ll still see each other,” ang kuwento ni Matteo, na hindi nawalan ng komunikasyon sa mga nakatrabaho niya noon sa SOP Fully Charged.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Incidentally, walang pinaplano na repeat ng 20th anniversary show ni Sarah na hindi nagkaroon ng press conference at walang ipinamahagi na complimentary tickets dahil mabilis na naubos ang tickets mula nang ilabas ng Viva Live!ang balita noong March 2023 na magdaraos siya ng concert bilang pagdiriwang ng ika-dalawampung taon niya sa entertainment industry. Ang Viva Live! at ang G Productions nina Sarah at Matteo ang mga producer at sina Paolo Valenciano at Sarah ang mga direktor ng pinaka-aabangan na concert ng singer-actress na itinuturing na Popstar Royalty ng Pilipinas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iilan na lamang ang nakakaalala na parehong naging bahagi Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng SOP, ang defunct Sunday noontime musical-variety show ng GMA-7. Naging special guest ng SOP si Sarah noong 2003, samantalang mainstay si Matteo ng SOP Fully Charged noong 2009.
PHOTO/S: @matteog on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results