“Her reputation precedes her.”
Ito ang bahagi ng reaksiyon ng singer na si Garth Garcia tungkol sa pagtanggi ng producer ng concert ni Vice Ganda na nakaranas siya at ang kanyang kasama ng pambabastos mula sa assistant ng comedian-host sa concert ni Vice sa Yaamava’ Resort & Casino sa Highland, California, noong April 23, 2023.
Read: Producer ng US concert ni Vice Ganda, pinabulaanan ang paratang ng Fil-Am singer na si Garth Garcia
Isa si Garth sa mga U.S.-based Filipino singers na nagtanghal sa VGFul concert ni Vice Ganda kung saan si Amor Yu ang producer.
Noong April 26, 2023, ibinahagi ni Garth sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang paninigaw at panghihiya umano sa kanila ng assistant ni Vice.
Makalipas ang labing-isang araw, pinabulaanan ni Yu ang mga paratang ni Garth. Sinagot niya ang mga pahayag ng singer.
Nang mabasa ni Garth ang paliwanag ng concert producer, sumagot siya sa pamamagitan ng tweet.
Pasaring niya: "Yun na nga nagsalita na ang LA based Producer and as expected she is full of lies, Naghanap pa sya ng witness na wala daw pagtataray from the Assistant but John nor his wife was not there at all nung nangyari.
"She is on the side of the rude Assistant. Lalo nya lang na-emphasize na wala syang respeto nga sa local artists. Her reputation precedes her."

Bukod sa kanyang tweet, isa-isa ring sinagot ni Garth, gamit ang kanyang Facebook page, ang mga depensa ni Yu tungkol sa kontrobersiyal na insidente.
Ito ang sinabi niya sa Cabinet Files na i-publish kasunod ang mahigpit na bilin na huwag idamay si Vice:
“Ngayon lang siya nag-react [Yu] when in fact, hindi naman siya kasama sa reklamo. Can we be careful with how we say things? Baka sabihin, nagpapapansin na naman ako,” pakiusap ni Garth tungkol sa isyung nagsanga-sanga.
Ang sagot niya tungkol sa insidente ng diumano’y pagtataray, pambabastos, at pagpapaalis sa kanila ng assistant ni Vice na pinabulaanan ni Yu ang aming piniling ibahagi.
Lahad ni Garth: “It was just me and Chef Marvs who witnessed the incident and no one else, She [Yu] claimed na-witness daw ni John (one of the guests) na wala naman daw pagtataray and I still have to get his side pero 100% wala siya doon.
“She said I was a liar and the incident never happened kasi she already spoke to the assistant and said hindi daw siya nagtaray.
“Other people from other shows who reached out to me also experienced the pagtataray too.
"Nagpapansin lang daw ako para sumikat. Sana daw sinigawan ko din yung assistant at in-address ang issue doon which I won’t do.
“She pointed out na I was not paid, it just defined her style of producing but what I was saying is I usually get paid on most of the shows I am in, except sa kanya.
“I only got 10% from ticket sales from her and I have no problem with it at all. I am okay with percentages din, No worries yun."
Idiniin din ni Garth na hindi niya isinama si Yu sa kanyang litanya tungkol sa assistant ni Vice, pero dahil pinaratangan siya nitong sinungaling ay kailangan niya umanong sabihin ang katotohanan.
Pahayag ng singer: “I never included you sa complaints ko but since you went out there and say na sinungaling ako then I have to tell my truth.
“Maliit lang ang SoCal [Southern California] entertainment world and we have to treat each other nicely, I still wish you luck.
“Vice Ganda is very talented and funny at wala naman akong ill feelings towards him but unfortunately natarayan nga kami ng assistant and if it was unintentional kasi baka busy backstage, sana after niya marinig ang complaint at baka may extra time siya, she reached out, alam ng lahat na madali ako kausap."
Giit ni Garth: “Again, The incident happened, it is TRUE. Nabastos kami, an apology could have been sufficient.”