PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai, Sugar, Direk Louie mourn King Charles III

Para sa kanila, hindi dapat si Camilla ang naging reyna ng Inglatera.
by Jojo Gabinete
Published May 7, 2023
Ai-Ai delas Alas sad for Princess Diana.
Kabilang si Ai-Ai delas Alas sa mga nalungkot habang kinokoronahan ang bagong reyna ng Inglatera na si Camilla Parker Bowles. Naaalala kasi ng actress-comedian ang namayapang dating asawa ni King Charles III na si Princess Diana Spencer.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas IG

Tinutukan ng buong mundo ang marangya at parang mga eksena sa pelikula na koronasyon ni King Charles III na ginanap kahapon, May 6, 2023, sa Westminster Abbey, London, England.

Si King Charles (born Charles Philip Arthur George) ang humalili sa kanyang ina na si Queen Elizabeth II na sumakabilang-buhay sa edad na 96 noong September 8, 2022.

Kasabay ng koronasyon ni King Charles ang pagpuputong ng korona sa kanyang asawang si Camilla Parker Bowles bilang bagong reyna ng United Kingdom.

Si Camilla ang third party at isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nina Prince Charles at Princess Diana noong December 1992.

Sa panayam kay Princess Diana (born Diana Frances Spencer) noong 1995, ikinagulat ng buong mundo ang kanyang rebelasyon na, “There were three of us in this marriage” na patungkol sa lihim na relasyon nina Prince Charles at Camilla noong nagsasama pa sila ng future king ng England.

Pumanaw si Diana sa Paris, France, noong August 31, 1997, dahil sa vehicular accident.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kahit dalawampu’t anim na taon na ang nakararaan buhat nang bawian siya ng buhay, ramdam na ramdam ang kanyang presensya sa koronasyon nina King Charles at Queen Camilla bilang mga bagong hari at reyna ng United Kingdom.

Dahil para sa kanyang mga tapat na taga-subaybay, ang namayapang prinsesa at hindi si Camilla ang dapat na reyna.

Mababasa sa mga social media platform ang mga komento ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo tungkol sa kalungkutan na nararamdaman nila dahil si Camilla na tunay na pag-ibig ni King Charles ang hinirang na reyna.

Sa mga Pilipino, kabilang sina Ai-Ai delas Alas, Sugar Mercado, at ang direktor na si Louie Ignacio sa mga libu-libong tao sa buong mundo na nagpahayag ng kanilang damdamin na si Princess Diana at hindi si Camilla ang karapat-dapat na reyna.

Sinabi ni Ai-Ai na nalulungkot ito at si Princess Diana ang naalaala niya sa koronasyon kahapon ni King Charles dahil ang namatay na prinsesa ang dapat na reyna pero wala siyang magagawa at tiyak na wala ring pakialam ang ibang mga tao sa kanyang opinyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman kay Sugar, si Princess Diana ang tunay na reyna dahil ito lamang ang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita tungkol sa kanyang mapait na kuwento ng buhay.

Ai-Ai, Sugar, Direk Louie on Princess Diana.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi natin masisisi sina Ai-Ai, Sugar, at ang maraming tao na umiidolo kay Princess Diana na binansagan noon na "Queen of Hearts" dahil sa pagmamahal at paghanga nila sa namatay na prinsesa.

Pero noong nabubuhay pa si Princess Diana, alam nito na hindi siya magiging reyna at sinabi niya ito sa interbyu ng BBC noong 1995.

“I’d like to be a queen of people’s hearts, in people’s hearts, but I don’t see myself being queen of this country. I don’t think many people will want me to be queen,”ang pahayag noon ni Princess Diana na malakas ang pakiramdam dahil nangyari ang kanyang mga tinuran na salita.

Hindi lamang si Ai-Ai ang kilala namin na matindi ang paghanga kay Princess Diana dahil iniidolo rin ito ng entertainment writer na si Joe Barrameda.

Nang gunitain ang unang anibersaryo ng kamatayan ni Princess Diana noong August 1998, pumunta si Joe sa United Kingdom para dalawin ang puntod ng personalidad na kanyang hinahangaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joe Barrameda at Princess Diana's resting place.

Kumpleto rin ang mga libro ni Joe tungkol sa buhay ni Diana tulad ng Diana in Pursuit of Love ni Andrew Morton, A Royal Duty ni Paul Burrell, Diana Princess of Wales ni Martin Gitlin, The Day Diana Died ni Christopher Andersen at Diana Closely Guarded Secrets ni Inspector Ken Wharfe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kailangang tanggapin ng mga matatapat na taga-suporta ni Princess Diana ang katotohanan na hindi niya tadhana na maging reyna dahil nakalaan para kay Camilla ang naturang titulo.

Dapat na tularan nila si Andrew Parker Bowles, ang dating asawa ni Camilla na sentro ng atensyon sa koronasyon na naganap kahapon.

Dahil dumalo siya para saksihan ang pagpuputong ng korona sa ina ng kanilang dalawang anak, ang bagong reyna ng Inglatera.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang si Ai-Ai delas Alas sa mga nalungkot habang kinokoronahan ang bagong reyna ng Inglatera na si Camilla Parker Bowles. Naaalala kasi ng actress-comedian ang namayapang dating asawa ni King Charles III na si Princess Diana Spencer.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results