PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liezel Lopez: Totohanan o Gimik sa 'Fall'?

Liezel Lopez nag-iba ang hitsura nang mabanggit ang pangalan ni Kristoffer Martin.
by Jojo Gabinete
Published Apr 28, 2023
liezel lopez martin del rosario fast talk
Tanging si Liezel Lopez ang nakakaalam kung "pang-promo" lamang para sa Voltes V: Legacy o seryoso siya sa pahayag niyang "na-fall" na siya sa co-star na si Martin del Rosario.
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network

Sina Martin del Rosario at Liezel Lopez ang mga gumaganap na kontrabida sa Voltes V: Legacy, ang live-action science fantasy TV series ng GMA-7 na mapapanood simula sa May 8, 2023.

Matagal nagkasama ang dalawa sa taping ng Voltes V: Legacy.

Kung may playboy reputation si Martin, malamang na nagkaroon na sila ng relasyon ni Liezel, na hindi inililihim ang pagkagiliw niya sa kanyang co-star.

Sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes ng hapon, April 28, lantarang ipinakita ni Liezel sa publiko ang pagkagusto niya kay Martin sa pamamagitan ng kanyang mga sagot sa Fast Talk segment ng programa.

Sa tanong ni Boy Abunda tungkol sa kanyang showbiz crush, ang pangalan ni Martin ang mabilis na sagot ni Liezel.

Aminado ang Kapuso actress na madali siyang "ma-fall," at kinikilig niyang ipinagtapat na “na-fall” na siya sa kanyang kapareha sa Voltes V: Legacy.

Idineklara rin ni Liezel sa national television na itinuturing niyang seksi ang kabuuan ng katawan ni Martin. Ang pagiging nice daw ng aktor ang “nakakapagpa-turn on” sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now!" naman ang maagap na sagot ni Liezel sa tanong tungkol sa best time for happiness dahil magkasama sila ni Martin na pinaka-close daw ngayon sa kanya.

Kilig na kilig at tuwang-tuwa si Liezel kapag si Martin ang pinag-uusapan.

Nagbago lamang ang hitsura niya nang magbiro si Boy ng: “Itong si Liezel parang ang tingin sa akin, parang si Kristoffer Martin.”

"Grabe!" ang nakangiting reaksiyon ni Liezel, pero mahahalata na nagulat siya sa sinabi ng Fast Talk host.

liezel lopez boy abunda fast talk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Kristoffer ang ex-boyfriend ni Liezel, pero tatlong buwan lamang ang itinagal ng kanilang relasyon dahil nakipagbalikan at pinakasalan ng aktor ang ina ng anak nito.

Read: Kristoffer Martin confirms relationship with co-star Liezel Lopez; addresses cheater allegation

“We’re okay…” sagot ni Liezel nang itanong kung magkaibigan sila ni Kristoffer.

Nang ulitin niya ang kanyang sinabi, humahalakhak siyang kumapit nang mahigpit sa braso ni Martin.

Tanging si Liezel lamang ang nakakaalam kung "pang-promo" lamang para sa Voltes V: Legacy o seryoso siya.

Samantala, ipinagtapat ni Martin na limang taon na ang nakararaan mula nang maghiwalay sila ng dating karelasyon na hindi niya pinangalanan.

Diretsahan ding sinabi ni Martin na ang kanyang career at hindi ang personal na kaligayahan ang priority niya sa kasalukuyan.

Gumigimik man si Liezel o hindi para mapag-usapan ang Voltes: V Legacy, hindi maipagkakailang madali siyang maging magiliw o "ma-fall" sa mga lalakeng may Martin sa kanilang pangalan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tanging si Liezel Lopez ang nakakaalam kung "pang-promo" lamang para sa Voltes V: Legacy o seryoso siya sa pahayag niyang "na-fall" na siya sa co-star na si Martin del Rosario.
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results