Ang mga lumabas na teenage photos nina Nicole Beverly Chien at Rodrigo Santino Santiago ang patunay sa napakabilis na takbo ng panahon dahil parang kailan lang nang isilang sila ng kanilang mga sikat na ina.
Si Nicole ang nag-iisang anak ni Lea Salonga at ng Japanese-Chinese husband nitong si Robert Chien.
Isinilang si Nicole noong May 16, 2006 sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa City.

Matagal hindi nakita si Nicole ng publiko kaya nagulat sila nang isama siya ni Lea sa 2023 Olivier Awards na ginanap sa Royal Albert Hall sa London, England, noong April 2, 2023.

Sa isang kuhang larawan ay makikitang matiyagang hinintay ni Nicole si Lea habang iniinterbyu ng press ang ina sa awards night na kanilang pinuntahan.

Minana ni Nicole ang husay ni Lea sa pagkanta pero sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa kanyang ina noong September 2017, sinabi ng international Filipino entertainer na “made of tough stuff “ ang anak niya.
“For me, it’s like I wish I could just tell people, ‘Please leave her alone.’
“She’s not a celebrity. Huwag niyo siyang lapitan kasi iirapan niya kayo.
“She will not always be the nice person, and she will be immediately suspicious of you,” pagsasalarawan ni Lea kay Nicole noong 11 years old ito.
"Male version" naman ni Claudine Barretto ang reaksiyon ng mga tagasuporta ng aktres nang ilabas ng aktres sa Instagram account niya kahapon, April 16, ang litrato ni Santino, ang anak nila ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.
"Guwapo" at "mukhang K-pop star" ang ilan sa mga komento sa litrato ni Santino na ibinahagi ni Claudine sa social media followers nito.
Nangako si Claudine kay Santino na hindi niya ilalabas ang kanilang larawan pero hindi siya nakatiis.
“Wow. Finally he agreed to have his picture taken with me. I promised not to post this though,” caption ni Claudine sa rare photo nila ng kanyang binatilyong anak na tila mahiyain at hindi nagmana sa mga magulang niyang kapwa mga kilalang showbiz personality.
Isinilang ni Claudine si Santino noong July 19, 2007 sa Medical City, Pasig City, sa pamamagitan ng normal delivery.
