May mga naintriga, nabahala at naalarma sa Instagram post ni Julia Montes, 31, noong nakaraang linggo dahil naghinala sila na may problema ang aktres sa relasyon nito kay Coco Martin, 41.
Broken heart emoji na may petsang "04.18.23" ang intriguing post ni Julia, pero wala itong kinalaman sa kanyang personal na buhay o sa pagmamahalan nila ni Coco.

Ang totoo, nakatakda sa darating na Martes, April 18, ang official announcement ng pelikula na pagsasamahan nina Julia at Alden Richards, 28.
Hindi pa inihahayag ang pamagat ng proyekto na pagbibidahan nina Julia at Alden.
Pero may kinalaman sa produksyon ang GMA Pictures at ang Cornerstone Entertainment Inc., ang namamahala sa showbiz career ng 28-year old actress.
Inaasahan na sasabihin nina Julia at Alden sa Martes ang kumpletong detalye tungkol sa pelikula na gagawin nila, pati ang direktor at mga artista na kanilang makakatrabaho.
Ang proyekto na sisimulan nila ni Alden ang hudyat ng pagiging aktibo ni Julia sa paggawa ng mga pelikula, at hopefully, mga product endorsement dahil matagal na panahon na puro sa telebisyon na lamang siya napapanood.
More hot stories on PEP.ph:
- Willie Revillame reaches agreement to terminate contract with AMBS
- Sunshine Cruz denies her group caused bumping of other Bali-bound passengers from business class
- Kyle Echarri mourns death of sister Isabella: “I just got a new angel.”
- Bianca Lapus recalls "pinakamasakit na pinagdaanan" because of Vhong Navarro's ordeal