PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liza Soberano walang ba kay Enrique Gil?

Liza Soberano, first time di bumati kay Enrique sa loob ng apat na taon.
by Jojo Gabinete
Published Apr 14, 2023
liza soberano enrique gil breakup rumor
For the first time in four years, actress Liza Soberano has no social media post greeting boyfriend Enrique Gil on his birthday.
PHOTO/S: @enriquegil17 on Instagram

Muling nagkaroon ng haka-hakang hiwalay na sina Liza Soberano at Enrique Gil dahil walang pagbati mula sa aktres nang ipagdiwang ng kanyang boyfriend ang 31st birthday nito noong March 30, 2023.

Ito ang unang pagkakataon matapos ang maraming taon na walang social media post si Liza tungkol sa importanteng araw sa buhay ni Enrique kaya nagtataka ang kanilang mga tagasuporta.

Kumbinsido ang LizQuen fans na may problema sa pagsasama ng kanilang iniidolong love team, base sa mga reaksiyon nila sa Instagram post ni Enrique noong April 2, 2023:

“Bakit walang post si Liza for you? I hope you’re happy naman sa birthday mo. Mabuti kang tao, deserve mo to be happy.”

“Break na ba kayo ni Liza Soberano.”

“Still waiting sa post ni Liza.”

“With or without a partner, stay happy and grounded.”

“Masanay na kayong walang Liza sa tabi ni Quen. Mukha kayong Liza."

Nag-celebrate si Enrique ng kanyang 31st birthday sa Enchanted Kingdom kasama ang ilang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2019, magkasama ang dalawa sa Bali, Indonesia dahil doon nagdiwang si Enrique ng kaarawan.

Read: Sweet! Enrique Gil brings Liza Soberano and squad to Bali, Indonesia

Mensahe ni Liza sa 28th birthday ni Enrique noong March 30, 2020: “Happy birthday my love [heart emoji]. Your smile never fails to make me smile.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon namang March 2021, ito ang pagbati ng aktres sa nobyo: “Happy birthday to the loml [love of my life]. I can’t wait to make so many more great memories with you. To more adventures and growing old together. I love you so so so much!”

Mensahe naman ni Liza sa 30th birthday ni Enrique noong March 2022: “Paradise is anywhere with you. Happy birthday my love.”

Ngayong 2023, walang pagbati mula sa aktres, kaya lalong tumibay ang hinalang nagwakas na ang kanilang relasyon.

Pero isang malapit kay Enrique ang nagsabi sa Cabinet Files na walang katotohanan ang mga balitang hiwalay na ang dalawa. Buong-buo raw ang suporta ng aktor kay Liza.

Pero iba ang pahayag ng isang kababayan natin sa Amerika.

Ayon sa kuwento ng U.S.-based Filipino informant ng Cabinet Files, "I’m single" ang sagot ni Liza nang tanungin ito tungkol sa estado ng relasyon nila ni Enrique.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For the first time in four years, actress Liza Soberano has no social media post greeting boyfriend Enrique Gil on his birthday.
PHOTO/S: @enriquegil17 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results