PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cindy Miranda, inaming naranasang maghabol at tanggihan ng lalake

“Hinabol ko po, iniwanan ka, e. Hinabol ko po.”
by Jojo Gabinete
Published Apr 1, 2023
cindy miranda on men
Cindy Miranda on being rejected by men: “Ako naman po, nabubuhay sa totoong realidad na maraming mas maganda sa yo. Maraming mas talented sa yo. Maraming mas K [karapatan] sa yo. Palagi kang papalitan at papalitan. Pero palagi kong sinasabi sa sarili ko na kahit iwanan ako nang iwanan nang iwanan pa… mag-stick ka lang sa sarili mo.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Matatag na babae at hindi basta mapaiiyak ang personalidad na nabuo ni Cindy Miranda sa paningin ng publiko.

Pero sa panayam sa kanya sa media conference ng pelikulang Adik Sa 'Yo, ipinakita ng beauty queen-actress na tao lamang siya na marunong masaktan, may kahinaan, at ang masaklap, nakaranas na tanggihan at talikuran ng lalakeng minahal niya.

Isang babae na ginawa ang lahat ng paraan para mahalin ng napupusuan niya ang karakter ni Cindy sa Adik Sa 'Yo pero hindi namin inaasahan na masasaling ang kanyang damdamin sa aming tanong na “Naranasan mo na ba na maging addict sa pagmamahal tulad ng role mo at ano ang ginawa mo?”

“Aahh... literal, hinabol ko po yung lalake. Medyo bata pa po ako noong mga panahon na yon.

“Hinabol ko po, iniwanan ka, e. Hinabol ko po,” pag-amin ni Cindy.

Naranasan mo bang ma-reject?

“Maraming times na po,” sagot niya.

Sa ganda mong yan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Opo, e. I think sa pagmamahal, walang pinipili talaga, maganda ka, guwapo ka, kung ano ka man, parang lagi kang nasasaktan.”

Tinanong mo ba ang sarili mo kung bakit ka ni-reject samantalang ibinigay mo na ang lahat?

“Palagi kong sinasabi [sa sarili], 'Pangit ka kasi…' palaging ganoon.

“Ako naman po, nabubuhay sa totoong realidad na maraming mas maganda sa yo. Maraming mas talented sa yo. Maraming mas K [karapatan] sa yo.

“Palagi kang papalitan at papalitan.

"Pero palagi kong sinasabi sa sarili ko na kahit iwanan ako nang iwanan nang iwanan pa… mag-stick ka lang sa sarili mo,” paliwanag ni Cindy.

Nang makita mo yung ipinalit sa yo, ano ang reaksiyon mo?

“Ahhh… siyempre masakit... masakit po. Ang pangit sabihin na mas maganda ako kesa sa kanya or hindi.

“Masakit kasi hahanapin mo yung mali sa sarili mo kahit ayaw mong ikumpara yung sarili mo dun sa tao.

“Hahanapin mo kung ano yung wala ako na meron siya, but I realized, hindi… hindi ako yung may kulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya lang yung nakakita nang wala ako and, ang feeling ko, God’s plan. After that, you meet someone better. Someone who can make you happier,” sabi ni Cindy habang pumapatak ang mga luha.

Ikinagulat ito ng press dahil, sa kauna-unahang pagkakataon, hindi niya nakontrol ang emosyon kaya itinanong namin kung kamakailan lamang nangyari ang kanyang karanasan.

Ayon kay Cindy, “I’m not even heartbroken po. It’s just that kapag binabalikan ko po… maybe I’m just so thankful na wala na ako sa ganoong. sa relasyon na yon.

"And thankful ako na whatever… iniwan ako, ipinagpalit ako, I think I’m happy kung nasaan po ako ngayon.

"Nandito po ako, may movie ako, I’m think I’m happy."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cindy Miranda on being rejected by men: “Ako naman po, nabubuhay sa totoong realidad na maraming mas maganda sa yo. Maraming mas talented sa yo. Maraming mas K [karapatan] sa yo. Palagi kang papalitan at papalitan. Pero palagi kong sinasabi sa sarili ko na kahit iwanan ako nang iwanan nang iwanan pa… mag-stick ka lang sa sarili mo.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results