PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs, sikreto pa ang mga detalye ng directorial debut

Janno Gibbs, susundan ang yapak ng kanyang lolo na si Gerry de Leon.
by Jojo Gabinete
Published Apr 1, 2023
janno gibbs top secret
Susundan na ni Janno Gibbs ang yapak ng kanyang lolo, ang yumaong National Artist For Film na si Gerry de Leon, sa pagdidirek ng pelikula.
PHOTO/S: @jannolategibbs on Instagram

Top Secret ang working title ng movie directorial debut ni Janno Gibbs pero gaya ng pamagat ng kanyang gagawin na pelikula, sikreto muna ang lahat kaya hindi muna siya nagbigay ng mga impormasyon.

“Too early pa,” sagot ni Janno nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files para sa ibang mga detalye ng pelikula na uumpisahan ang shooting sa June 2023.

Isang production insider ang nagsabing binubuo pa lamang ang cast ng pelikula na si Janno rin ang sumulat ng kuwento kaya wala pa talagang maibabahagi ang singer-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nakagugulat ang desisyon ni Janno na gumawa ng pelikula dahil may pagmamanahan siya — ang kanyang lolo, ang National Artist for Film na si Gerardo "Manong Gerry" de Leon (September 12, 1913 - July 25, 1981).

Si Gerry Leon ang ama ng ina ni Janno na si Maria Fe Gibbs, na asawa ng multi-awarded actor na si Ronaldo Valdez.

gerry de leon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Twelve years old pa lamang si Janno nang sumakabilang-buhay ang kanyang lolo, na mahigit sa tatlumpo ang bilang ng mga pelikulang ginawa mula 1940 hanggang 1975.

Ang fantasy movie na Pedro Penduko, na pinagbidahan ni Efren Reyes Sr. noong 1954, ang isa mga hindi malilimutang pelikula ni De Leon.

pedro penduko original

Makalipas ang apatnapung (40) taon, si Janno ang gumanap sa karakter ni Pedro Penduko sa Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko na official entry sa 20th Metro Manila Film Festival noong December 1994.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ang pagbabalik ni pedro penduko

Ang Sawa sa Lumang Simboryo, Noli Me Tangere, El Filibusterismo, at Sisa ang ilan sa mga proyekto ni De Leon na itinuturing na classic films.

Ang Juan Dela Cruz, na pinangungunahan ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr., ang huling pelikula ni De Leon na hindi nito natapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang pagpupugay kay De Leon bilang National Artist for Film, sa pamamagitan ng pagpapalabas sa ilang mga eksena ng Juan Dela Cruz, ang idinaos sa Cultural Center of the Philippines noong December 4, 1990.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Susundan na ni Janno Gibbs ang yapak ng kanyang lolo, ang yumaong National Artist For Film na si Gerry de Leon, sa pagdidirek ng pelikula.
PHOTO/S: @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results