Napatunayan ang mahigpit na pagkakabigkis ng pamilya ni Ryle Santiago nang pumirma siya ng exclusive management contract sa Viva Artists Agency nitong Biyernes ng hapon, March 31, 2023.
Kasama niyang nagtungo sa Viva Communications office ang kanyang mga magulang at kapatid, na madalas mapapanood na sama-samang sumasayaw sa kanilang TikTok videos.
Buong-buong ang suporta kay Ryle ng kanyang mga kapatid na sina Lorenz at Anya at ng kanilang mga magulang na sina Sherilyn Reyes at Chris Tan sa bagong kabanata ng acting career niya.
May kakaibang siglang nararamdaman ni Ryle sa pagpirma nito ng kontrata sa Viva Artists Agency kaya inihahanda niya ang sarili sa pagganap ng mature roles.
“Definitely, I’m preparing for more mature roles. Nandito naman po ang parents ko to sign me off on that. But as long as it makes sense and serves the story, may puso po yung kuwento, why not?
“It depends on how great the story would be, whatever is required of the character. Hindi ko pa masasabi exactly ngayon, basta hindi po ako magiging pornstar, okay lang. Baka ma-MTRCB po tayo,” pabirong saad
Si Ryle ang ikalima sa mga dating miyembro ng Hashtags na pumirma ng kontrata sa talent management arm ng Viva Communications.
Sinabi ni Ryle na kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gusto niyang magsama-sama sila nina Vitto Marquez, McCoy de Leon, Wilbert Ross, at Nikko Natividad sa isang proyekto.
“Hopefully magkasama-sama kami sa project. Actually, Vitto texted me kasi he found out na I’m signing with Viva.
“I said, sana magka-work kami, I mean doing a barkada film with the boys would be very, very fun. It’s something we’ve always wanted to do but never really had the chance to.
"And, hopefully, Viva gives us the chance to make a film with each other kasi super saya sana nun."
Tulad ng ibang mga showbiz personality, naapektuhan ng coronavirus pandemic ang pag-aartista ni Ryle, pero hindi ito nawalan ng mga ginagawa dahil nagtrabaho siya bilang graphic designer at nagtayo ng sariling negosyo.
“When the pandemic hit, nag-corporate job po ako believe it or not, as a graphic designer for a small company in the U.K.
“At dahil maliit po yung company, salu-saluhan ang responsibilities, so I wasn’t just on graphics. I learned the ins and outs of marketing din.
“Medyo na-experience ko yung corporate life for a year. And within that year, me and my brother, we put up our own agency, it’s a live streaming and influencer marketing agency.
"So, on the side, we handle the agency also," kuwento ni Ryle tungkol sa naging buhay niya sa labas ng entertainment industry noong kasagsagan ng pandemya.