PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Josh Ford: Bubuyog at Nawala si Andrei

Sobrang bilis daw ng takbo ng kotse, ayon sa mga motoristang saksi.
by Jojo Gabinete
Published Mar 25, 2023
Josh Ford
Ang GMA-7 Sparkle artist na si Josh Ford (left) ang lone survivor sa apat na pasaherong sakay ng BMW sedan na naaksidente along Commonwealth Avenue noong madaling araw ng March 24, 2023. Siya rin ang lead star ng "Hot Momma" episode ng Regal Studio Presents.

Ang Sparkle Artist Center contract star na si Josh Ford ang lead star sa “Hot Momma” episode ng Regal Studio Presents na mapapanood bukas, Linggo, March 26, 2023, 4:40 p.m.

Pero hindi siya nakapag-promote sa TV guesting dahil kabilang ang 17-year-old actor sa nasaktan sa aksidente na nangyari kahapon, March 24, sa harap ng New Intramuros Village, Barangay Matandang Balara, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Lulan si Josh at ang kanyang tatlong kasama ng BMW sedan na may plate number AGA 8609 na bumangga sa isang poste, puno, at sa concrete signage ng New Intramuros Village.

Milagrong nakaligtas si Josh dahil binawian ng buhay ang mga kasama niya sa kotse, ang kanyang kapwa Sparkle actor na si Andrei Sison at mga kaibigan nila na sina Paolo Bueza at Arman Velasco.

Nakausap ng Cabinet Files ngayong Sabado ng gabi, March 25, ang vlogger at Angkas driver na si Boying Lakwatsero na nagkuwento tungkol sa buong pangyayari na personal niyang nasaksihan at nakunan ng video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sakay ng kanyang motorsiklo, binabagtas ni Boying ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nang maramdaman niyang may sasakyan sa kanyang likuran na napakabilis ng takbo.

“Ang bilis ng dating sa likod ko na hindi ako lumilingon dahil baka bigla akong tamaan.

“Ang tumalsik lang sa akin, yung mga alikabok sa kalye. Mabilis talaga ang takbo nila, sobra!

"Kapag kasi nasa Commonwealth highway ka, ang pakiramdam mo, yung takbuhan ng mga truck at bus, kaya hindi ako nakagalaw sa puwesto ko.

"Buti hindi ako kumabig,” ang kuwento ni Boying.

Mali raw ang mga haka-haka na naaksidente ang mga biktima dahil nakikipagkarera sa ibang mga sasakyan.

“Wala naman karera. Basta mabilis lang ang takbo ng sasakyan nila.

“Pagkatapos mangyari ang disgrasya, may nakakuwentuhan ako, at ang sabi niya, siya ang nasa likod ng BMW. Sobrang bilis daw talaga ng takbo ng sasakyan at sa tingin nila, talagang madidisgrasya.

“Tatlo ang namatay, yung isa ang buhay. Ang sabi sa akin, mga artista raw, pero hindi ko kilala. Ang dating sa akin, mga Fil-Am sila,” ang sabi ni Boying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Josh ang Fil-Am na tinutukoy ni Boying. Siya ang nakaupo sa passenger seat at nag-iisang nakaligtas mula sa malagim na aksidente.

“Bale yung tatlo kasi, natagalan bago ilabas mula sa kotse dahil talagang ipit na ipit sila.

“Nung una, hindi pa gumagalaw si Josh noong kinukunan ko sila ng video.

“Kung makikita ninyo sa umpisa ng video ko, talagang walang gumagalaw sa mga pasahero.

“Tinted kasi yung kotse, pero nang gumalaw si Josh, nagbukas pa siya ng pinto niya, ‘tapos sumuka pa siya nang konti kaya akala ko lasing.”

Ayon sa mga pulis, severe injuries ang tinamo ni Josh pero matatag na ang kundisyon.

Malinaw na makikita sa video na kuha ni Boying na nakapaglakad pa si Josh nang lumabas ito mula sa kotse habang inaalalayan siya pasakay sa ambulansyia na naghatid sa kanya sa ospital.

“Nung inilabas yung tatlong biktima mula sa kotse, hindi ko alam na mga patay na sila dahil pina-pump pa ang mga dibdib nila habang nasa bangketa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nalaman ko lang na patay yung tatlo dahil sa pulis na nakausap ko...

“Kinabahan ako kaya nailang ako sa pagmamaneho ng motorsiklo habang pauwi ako,” ang salaysay ni Boying na ikinalungkot nang husto ang aksidente na nasaksihan niya na kumitil sa buhay ng apo ng balladeer na si Marco Sison at sa dalawang kasama nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang GMA-7 Sparkle artist na si Josh Ford (left) ang lone survivor sa apat na pasaherong sakay ng BMW sedan na naaksidente along Commonwealth Avenue noong madaling araw ng March 24, 2023. Siya rin ang lead star ng "Hot Momma" episode ng Regal Studio Presents.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results