Walang katotohanan ang kumalat na balitang idineklara ng Malaysian government na public holiday sa Malaysia sa Miyerkules, March 15, 2023, dahil sa makasaysayang tagumpay ni Michelle Yeoh sa 95th Academy Awards.
Si Michelle, 60, ang itinanghal na Best Actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang Everything Everyone All At Once, na nagwagi ng pitong tropeyo kabilang ang Best Picture.
Pinabulaanan ng pamahalaan ng Malaysia ang fake news na ginamit ang manipulated image ng artikulo ng isang Malaysian news outlet na may larawan ni Michelle habang tinatanggap nito ang kanyang best actress trophy.
May headline itong "PM Anwar declares public holiday on Wednesday: 'This is the pride of a nation!'"
Nilinaw ng tanggapan ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim na fake news ang impormasyong kumalat sa social media, kasunod ang paalaala sa publiko na huwag magbahagi ng mga balitang hindi kumpirmado.
Si Ibrahim, na bumisita sa Pilipinas noong nakaraang linggo at matalik na kaibigan ni former Philippine President Joseph Estrada, ang isa sa mga unang nagpahatid ng pagbati kay Michelle dahil sa karangalan na tinanggap nito.
Mensahe ni PM Ibrahim: “The Government joins the nation in expressing warmest and heartiest congratulations to Tan Sri Michelle Yeoh for winning the highly coveted Oscar for Best Actress in a Leading Role at the 95th Academy Awards in Los Angeles today.
“In creating history by being not just the first Malaysian but the very first Asian actress to win in this category, we take enormous pride in her achievement, adding to a long list of successes and capping a critically acclaimed acting career spanning decades.
“Coupled with this latest accomplishment, Michelle’s illustrious and exemplary career in this field will certainly continue to be a source of great inspiration and motivation to our homegrown actors and actresses and provide even greater impetus to the growth of our local industry. Way to go, Michelle!”
Nag-umpisa ang acting career ni Michelle noong 1984, isang taon matapos maging kinatawan ng Malaysia, sa edad na 21, sa Miss World 1983 na ginanap sa London, England.

Michelle Yeoh
Sa 72 official candidates ng Miss World 1983, hindi lamang si Michelle ang naging artista.
Noong 1984, sabay silang pumasok sa showbiz ni Marilou Sadiua, ang representative ng Pilipinas sa international pageant.

Marilou Sadiua
Umuwi silang kapwa luhaan pero mas malaki ang mga oportunidad na naghihintay sa kanila.
Ang kaibahan lang, short-lived ang acting career ni Marilou, samantalang hanggang ngayon ay kinikilala sa buong mundo ang pagiging aktres ni Michelle, gaya ni Gal Gadot na thank-you girl sa Miss Universe 2004 pero nagkaroon ng international acting career dahil sa pagganap sa karakter ni Wonder Woman.
Ang May Daga sa Labas ng Lungga, Hiram Na Katawan, at Mamaw ang mabibilang sa daliri ng mga pelikulang ginawa ni Marilou mula 1984 hanggang 1987.

Sa kabilang banda, mahigit sa limampu na ang bilang ng mga movie project ni Michelle.
Maliban sa permanente nang naninirahan sa Amerika, wala nang ibang balita tungkol kay Marilou buhat nang talikuran nito ang Philippine entertainment industry noong 1987.